• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela, magbibigay ng P600K pabuya para sa pagkaka-aresto sa pumatay sa kagawad

MAGBIBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ng PhP 600,000 na pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek sa pamamaril na ikinamatay ng isang barangay kagawad noong Hunyo 29, 2022 sa lungsod.

 

 

 

Kinilala ng Valenzuela City Police Station (VCPS) ang dalawang salarin na sina Tito Santiago Salibio alyas “Tito” at Carlito Mansueto Abalos alyas “Andy” na umano’y mga hired killer at kapwa may patong sa ulo na PhP300,000 ang bawat isa.

 

 

 

Sa kuwento ng kasama ng biktima na si Edwin, habang sakay ng tricycle si Alexander Liwanag Joseph, 49, Kagawad ng Brgy., Canumay East, Valenzuela City patungo sa isang school graduation ceremony dakong alas-6:40 ng umaga nang tutukan ito ng baril ng mga suspek kaya tumakbo ang biktima subalit, hinabol siya ng mga salarin at nang makorner ay binaril siya ng ilang beses sa katawan.

 

 

 

Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa Marton Street habang isinugod naman ang biktima sa Valenzuela Medical Center ngunit idineklara itong dead on arrival.

 

Sa isinagawang paghahanap, natagpuan ng mga imbestigador ang motorsiklong ginamit ng mga suspek bilang escape vehicle na nakaparada sa Barangay Tañong, Malabon City.

 

 

 

Narekober ng pulisya ang ilang identification card sa loob ng compartment nito, kabilang ang voter’s ID at Barangay ID ng isang Tito Santiago Salibio at certificate of registration ng nasabing sasakyan.

 

 

 

Sa pag-usad ng imbestigasyon, kinilala at inaresto ng mga pulis ang isang Michael Lagoc Tamayo Jr. sa pamamagitan ng isang testigo na nagngangalang Allan.

 

 

 

Si Tamayo Jr. ang naghanda ng escape vehicle na ginamit ng mga suspek matapos patayin si Joseph.

 

 

 

Sa kanyang sinumpaang salaysay sa harap ng mga pulis, ikinuwento niya ang kanyang partisipasyon sa nasabing krimen, sinabing siya ang responsable sa paghahanda at pagtatago ng escape vehicle na ginamit sa pagpatay.

 

 

 

Dagdag pa niya, nakasama pa siya sa ocular na ginawa ng mga suspek sa pinangyarihan ng krimen bago ang insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • JEAN, sunud-sunod ang IG post na patama sa manugang na si ALWYN at na kay JENNICA kung makikipagbalikan pa

    MAGKASUNOD na Instagram post ang pinakawalan ni Jean Garcia.     Wala man itong direktang tinag o minention ngayon, pero dahil nauna na ngang nagsalita siya at nag-post sa pagka-disgusto sa ginawa at tila pambabalewala sa kanya ng manugang, madaling i-assume na patama pa rin kay Alwyn Uytingco ang magkasunod na post niya.     […]

  • Perez maaring lumipat sa San Miguel Beer

    NAGBUKAS na nitong Lunes, Enero 4 ang trade para sa 12 koponan na mga nagpiprepara para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.     Ipinahayag ni PBA commissioner Wilfrido Marcial, na pinairan ang moratorium sa trade sapul nang mag-Covid-19 nitong Marso 2020 sa bansa.     At […]

  • Chinese President Xi Jinping tinago ang coronavirus outbreak

    Tila nabulgar sa speech ni Chinese President Xi Jinping na hindi agad pinaalam ng China government na nagkakaroon na pala ng virus outbreak sa kanilang mga citizen, gayundin sa ibang bansa.   Sa February 3 speech ni Xi, sinabi nito na maagang umaksyon ang China para mapigilan ang pagkalat ng virus, na kalauna’y binansagang novel […]