• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela, nasungkit ang pangalawang Seal of Good Local Governance

MULING nag-uwi ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ng pinakaaasam na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel.

 

 

 

Ang Valenzuela ay isa sa 14 na Lungsod sa National Capital Region, at isa sa 96 na lungsod sa buong Pilipinas na kinilala sa pagpasa sa “All-in” assessment approach ng sampung (10) governance areas, katulad ng Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; BusinessFriendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; and Youth Development.

 

 

 

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang kanyang mainit na pagbati sa mga awardees, “Congratulations sa lahat ng awardees. Make this a symbol that you ran a good government – you ran a clean government and an effective government.” aniya.

 

 

 

Bilang isa sa mga awardees, ang Valenzuela ay mag-uuwi ng prestihiyosong SGLG marker kasama ang SGLG Incentive Fund na PhP 2 Million para sa antas ng lungsod upang tustusan ang mga high-impact local development projects na sumusuporta sa sampung lugar ng pamamahala.

 

 

 

Kinilala naman ni Mayor WES Gatchalian ang lahat ng mga department head at mga empleyado ng city hall na nagsumikap hindi lamang para makuha ang selyo kundi palaging ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang mapagsilbihan ang mga Valenzuelano.

 

 

 

Ang pagkilalang ito ay isang patunay ng dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod sa paghahatid at pagtataguyod ng mabuting pamamahala, integridad, at namumukod-tanging serbisyo publiko sa lahat ng oras para sa bawat Pamilyang Valenzuelano. (Richard Mesa)

Other News
  • Pinalalagay na para ito sa hosts ng ‘It’s Showtime’: Pagpapatutsada ni JANUS sa kanyang IG post, maraming naangasan

    MAY mga naantipatikuhan at naglabas ng galit sa post ni Janus Del Prado sa kanyang Instagram account.   Napakasarkastiko raw kasi ang ginawang pagtanong ng aktor sa mga tumitira at bumabanat sa mga naglilipatang artista noon sa ibang network.   “‘Yung mga bumatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na din ngayon lol. Kala ko ba […]

  • COVID-19 cases sumirit pa sa halos 310,000; new cases 2,025

    BALIK sa higit 2,000 ang bilang ng mga nadagdag na bagong kaso ng COVID-19 mula sa pagsirit nito sa higit 3,000 kahapon.   Batay sa case bulletin ng De- partment of Health, mayroong 2,025 additional confirmed cases ngayong araw. Dahil dito umakyat pa ang total ng COVID-19 cases sa 309,303. Apat na laboratoryo lang daw […]

  • PSG, handang mamatay para kay PDu30-Sec. Roque

    HANDANG mamatay ang Presidential Security Group (PSG) para protektahan ang seguridad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ang mensaheng nais ipabatid ng Malakanyang sa paggamit ng PSG nang smuggled at hindi FDA approved na COVID-19 vaccine. “Alam ninyo po ang PSG bagama’t iyan po ay—ang mga tauhan niyan ay galing sa lahat ng sangay ng […]