• January 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Validity ng student permits, driver’s licenses pinalawig ng LTO hanggang Marso 31

Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng student permits, pati na rin ang lisensya ng mga drivers at konduktor, hanggang Marso 31.

 

Ang extension na ito ay valid para sa mga indibidwal na may edad na 17 hanggang 20-anyos, pati na rin sa mga 60 pataas.

 

Ang student permit at driver’s at conductor’s licenses sa age groups na ito ay papalawigin dahil required silang manatili sa loob ng kanilang bahay sa kasagsagan ng quarantine period bunsod ng COVID-19 pandemic.

 

Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolution No. 79, ang mga indibidwal na 15 hanggang 20-anyos, pati na rin ang mga higit 60, ay maari lamang lumabas ng bahay para sa essential travel.

 

Ito na ang ikatlong pagkakataon na pinalawig ng LTO ang validity ng ilan sa mga lisensya na kanilang iginawad dahil sa prolonged restrictions sa gitna ng pandemya.

Other News
  • Vulcanizing, talyer, carwash, dapat bang payagan sa mga pangunahing lansangan?

    MARAMING reklamo ang natatanggap ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa mga talyer, carwash, vulcanizing shops at iba pang katulad na negosyo na ginagawang “motorshop” ang mga bangketa at lansangan.   Ito yung mga carwash services na walang sariling lugar ay sa kalsada nagpapaligo ng sasakyan. Mga talyer o motorshops na ang […]

  • Pamilyang nagsabing sila ay mahirap bumaba – OCTA

    BUMABA ang bilang ng mga Pilipino na nakaranas ng gutom at kahirapan sa unang quarter ng 2024.     Sa pinakahuling OCTA Research survey, lumalabas na 42 percent o 11.1 milyong pamilya sa bansa ang itinuturing na mahirap.     Mas mababa ito sa 45% o katumbas ng 11.9 milyong Pinoy na nagsabing sila ay […]

  • Validators, ide-deploy para sa food stamp program-DSWD

    NAKATAKDANG mag-deploy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga validators para sa rehistrasyon at balidasyon ng 300,000 target na pamilya bilang paghahanda sa ‘full-scale implementation’ ng ‘Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” sa darating na Hulyo.     Sinabi ni DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay na ang programa ay mayroong three- […]