• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vanessa Bryant , hiniling sa mga mambabatas na gumawa ng helicopter safety bill

Hinikayat ng asawa ng yumaong NBA star Kobe Bryant na si Vanessa ang mga mambabatas sa US na gumawa ng bagong helicopter safety bill.

 

Ito ay matapos ang pagkasawi ng Los Angeles Lakers star kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa.

 

Ayon kay Vanessa, na ang pagpasa ng panibagong federal law ay para mag-improve ang kaligtasan ng mga nag-ooperate ng helicopter sa US.

 

Naniniwala kasi ito na buhay pa sana ang kaniyang mag-ama kung may nakalagay na safety equipment ang mga helicopter.

 

Ang pahayag ni Vanessa ay kasunod ng pagpapakilala ni Californian Democratic Rep. Brad Sherman ng “Kobe Bryant and Gianna Bryant Helicopter Safety Act”.

 

Hiniling din ni Vanessa na palitan din ang tawag sa black box at gawin itong Mamba 8 Box bilang pagkilala sa tatlong batang Mamba team players at 2 Mamba coaches at tatlong Mamba parents na kabilang sa nasawi.

 

Magugunitang bumagsak ang sinakyang helicopter ni Bryant noong Enero habang patungo ang mga ito sa Mamba Sports Academy sa Thousand Oaks, California.

Other News
  • DepEd, planong ipapatupad ang K-10 curriculum sa 2024

    TARGET  ng DepEd na ilunsad ang bagong curriculum para sa Kinder hanggang Grade 10 (K to 10) sa school year 2024-2025.     Sinabi ng tagapagsalita ng DepEd na si Michael Poa na ang ahensya ay nagtitipon ng feedback ng publiko sa draft ng K to 10 curriculum.     Aniya, nais ng nasabing departamento […]

  • Triggerman, Flying A sali sa Wish Olympics

    ANGKLADO nina Allan ‘Triggerman’ Caidic at Johnny ‘Flying A’ Abarrientos ang Philippine Basketball Association Legends kontra isang celebrity team sa Wish Olympics sa Smart Araneta Coliseum Quezon City bukas, Linggo, Pebrero 23.   Ang isang araw na okasyon ay para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero at inorganisa ng UNTV sa […]

  • Wala pang kapalit para sa 3 retiradong Comelec execs

    WALA pang advice at impormasyon ukol sa pagtatalaga ng bagong Commission on Elections (Comelec) chair at dalawang commissioners.     Nakatakda na kasing magretiro sa serbisyo sina Comelec Chair Sheriff Abas at Commissioners Rowena Guanzon, at Antonio Kho Jr. sa susunod na buwan o tatlong buwan bago ang May 9 national at local polls.   […]