VCMs at mga balotang gagamitin sa May 9 polls, nai-deliver – Comelec
- Published on May 7, 2022
- by @peoplesbalita
NAI-DELIVER na sa lahat ng polling precincts ang mga vote counting machines (VCMs) at official ballots na gagamitin sa May 9 elections.
Sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino na maliban sa mga VCMs at balota ay naipadala na rin ang mga ballot boxes, Broadband Global Area Network at Consolidated Canvassing System (CSS) kits ay nakumpleto na noong May 5.
Ayon naman kay Commissioner Marlon Casquejo ang 70,924 clustered precincts o 67 percent ng mahigit 106,000 clustered precincts nationwide ay nakapagsagawa na ng final testing at sealing ng mga VCM na gagamitin sa halalan.
Kung maaalala hanggang sa Mayo 7 pa ang isinasagawang final testing at sealing ng mga VCM na nagsimula noong May 2.
Nasa 355 VCMs at 44 SD cards naman ang nadiskubreng depektibo at kailangan na ng kapalit. (Daris Jose)
-
‘Hinahanap ni Duerte na next PhilHealth chief, magaling sa ‘legal at accounting’
Posibleng may bago na umanong PhilHealth president at chief executive officer ngayong linggo. Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III. Ayon kay Duque, sa ngayon ay puspusan na ang paghahanap daw ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ipapalit sa nag-resign na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president at CEO Ricardo Morales. Sinabi pa […]
-
Mga seniors at may comorbidities, ‘di nirerekomendang magpa-booster shot sa mga botika
SA KABILA ng pilot rollout ng “Resbakuna sa Botika” program ng pamahalaan, hindi inirerekomenda ng pamahalaan ang pagpapabakuna ng mga mayroong comorbidities at senior citizens sa mga drugstores. Ayon kay Vaccine Czar, Carlito Galvez Jr., mas maigi umanong sa mga vaccination sites magpabakuna ang mga seniors at may mga comorbidities para mas mabigyan […]
-
QC binuksan ang mga bagong bike lanes
May mga bago at pinagandang bike lanes ang binuksan noong Linggo ang lungsod ng Quezon City sa mga pangunahing lansangan dito bilang bahagi sa pagsusulong ng active, sustainable at environment-friendly na transportasyon na laan sa mga residente at mangagawa. Inilungsad din ang proyektong ito upang maisulong ang pagbibisekleta at ng masiguro ang […]