Vice, Coco at Nadine, nanguna sa MMFF 2022… ‘Family Matters’ nina NOEL at LIZA, palaban din sa takilya at hahakot ng awards
- Published on December 27, 2022
- by @peoplesbalita
DINAGSA at pinilahan ng manonood ang unang araw ng 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Linggo, Disyembre 25, 2022, araw ng Pasko.
Pagsapit ng ika-lima ng hapon 5:00 p.m., may post sa official Facebook page ng MMFF, “Napakaagang dinagsa at pinilahan sa takilya sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang walong pelikulang kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival sa unang araw pa lamang ng pagbubukas nito.”
Bandang 9:00 p.m., nag-post muli ang MMFF na may caption na, “Luzon! Visayas! Mindanao!! Maraming SALAMAT po sa inyong wagas na pagtangkilik sa 8 Pelikulang Pilipino na kalahok sa Metro Manila Film Festival.
“Bukas at sa mga susunod pang mga araw ay lalo pa nating pag alabin ang damdaming Pilipino na mahalin at tangkilikin ang pelikulang atin. Kaya manood na at makisaya! Panoorin ang walo!”
Naglabas din ng official statement si MMDDA Acting Chairman Atty. Romando Artes bilang pasasalamat:
“Ako, kasama ang buong pamunuan ng Metro Manila Film Festival, ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik sa walong pelikulang bahagi ng MMFF 2022 sa unang araw pa lamang nito kahapon, Araw ng Pasko.
“Labis naming ikinagagalak ang suportang ipinamamalas ng publiko sa MMFF, base sa mahahabang pila sa mga sinehan hindi lamang dito sa Metro Manila kundi sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
“Hiling namin ang inyong patuloy na suporta hanggang sa pagtatapos ng MMFF sa January 7.
“Sa pamamagitan nito ay matutulungan natin ang unti-unting pagbangon ng industriya ng pelikulang Pilipino na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
“Muli, maraming salamat sa lahat at mabuhay ang pelikulang Pilipino!
#mmda #mmff #MMFF2022 #mmff2022baliksaya #MMFFBalikSaya
Wala ngang dudang pasok sa Top 4 ang Partners In Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi, Labyu With An Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria, Deleter ni Nadine Lustre, at ang pinag-uusapang Family Matters nina Noel Trinidad, Liza Lorena, Nonie Buencamino, Agot Isidro, Mylene Dizon, Nikki Valdez, JC Santos, James Blanco at Ian Pangilinan.
Pagsapit ng gabi, nanatiling topgrosser ang movie nina Vice at Ivana, umangat sa puwesto ang Deleter at Family Matters, at balitang bumagsak sa pang-apat na raw ang movie ni Coco.
Pero marami pang puwedeng mangyari sa box office result ng MMFF 2022, pagkatapos ng Gabi ng Parangal, bukas ng gabi.
Inaasahan na hahakot ng awards ang Family Matters, Nanahimik ang Gabi, ang Deleter, at My Father, Myself nina Jake Cuenca, Sean de Guzman at Dimples Romana.
Sa Best Actor sa tingin namin ay mahigpit na maglalaban sina Noel at Jake. Samantalang sa Best Actress naman, bet namin sina Nadine at Dimples na mag-win.
Sa best supporting actor naman si Mon Confiado (Nanahimik ang Gabi) at baka sa Family Matters naman manggaling ang best supporting actress.
Malakas din ang kutob namin at ng marami na makukuha rin nila ang Best Picture at Best Director. Na base sa mga unang nakapanood ay gandang-ganda sila sa family drama movie ng CineKo Productions.
Patuloy nating suportahan ang MMFF at Pelikulang Pilipino, mabuhay!
(ROHN ROMULO)
-
Partial operation ang LRT 1 extension sa susunod na taon, tiniyak
NAKIKITA ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magkakaroon ng partial operation ang Light Rail Transit Line 1 Extension Project sa susunod na taon habang ang pamahalaan ay nangako na magkakaroon ng full delivery ng right-of-way. Sinabi ni LRMC president at CEO Juan Alfonso na ang project ay may 33 percent completed na samantalang […]
-
200-K trabaho, inaasahang maibabalik – DTI
Aabot sa 200,000 trabaho ang inaasahang maibabalik kasunod ng paglalagay sa National Capital Region (NCR) gayundin sa mga karatig na lalawigan ng Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna, sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula bukas, Mayo 15. Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, magmula nang inilagay kasi […]
-
Tab Baldwin humanga sa galing ni Kai Sotto
Hindi maitago ni Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin ang paghanga nito sa galing ni Kai Sotto. Kahit na naging maiksi ang pagsali nito sa ensayo ng national team noong nakaraang mga linggo ay ipinakita ng bagitong player na kaya nitong makipagsabayan. Dagdag pa ni Baldwin na habang tumatagal ay nagkakaroon […]