Villanueva sa DOLE: 700 empleyado ng Honda, tulungan
- Published on February 25, 2020
- by @peoplesbalita
Nanawagan si Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment na tulungan ang 700 trabahador ng Honda dahil sa napipintong pagsasara ng kanilang planta sa Sta. Rosa Laguna.
Ayon kay Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resource Development, naka-kabahala aniya ang pagsasara ng Honda plant dahil bukod sa trabahong mawawala, ang mga pamilya rin ng mga ito ang maaapektuhan.
“Nakakabahala po ang nakaambang pagkawala ng mga trabahong nandito na katulad ng 700 na trabahong apektado sa pagsara ng Honda car manufacturing facility sa Sta Rosa, Laguna matapos ang halos tatlong dekada na operasyon,” sabi ni Villanueva.
“Maliban sa 700 na trabahong mawawala, 700 na pamilya rin ang maapektuhan nito,” dagdag pa nito.
Sabi ni Villanueva, dapat tiyakin ng DOLE na matutulungan nila ang mga manggagawa ng Honda na makahanap ng malilipatang trabaho sa oras na huminto na nga ang operasyon nito.
“Tinatawagan po natin ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang Department of Trade and Industry (DTI) na siguraduhing mapanatili ang mga trabahong andito na at kaagad na tugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong manggagawa at pamilya nila,” sabi nito.
Bagama’t hindi pa malaman ang ugat ng planong pagsasara ng planta, sinabi ni Villanueva na nakahanda sila sa Senado na imbestigahan ito.
“Hindi pa po natin matukoy ang puno’t dulo ng isyu na ito dahil maaaring may iba pang malalim na dahilan dito. Nakahanda ang ating Committee on Labor para maglungsad ng pagdinig tungkol dito kung kinakailangan,” ayon pa sa senador.
Sa website na visor.ph, Marso 26 nakatakdang huminto ang produksyon sa planta.
-
Donaire aminadong nayanig kay Inoue
INAMIN ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire na bukod tanging si Japanese fighter Naoya Inoue ang naglatag ng pinakamalakas na suntok na kanyang tinamo sa kanyang buong boxing career. Lumasap si Donaire ng second-round knockout loss kay Inoue para ipaubaya na ang kanyang World Boxing Council (WBC) bantamweight belt kamakalawa ng gabi sa […]
-
No. 3 most wanted person ng NPD, nadakma ng Valenzuela police sa Pasay
WALANG kawala ang 29-anyos na lalaki na tinaguriang No. 3 most wanted sa Northern Police District (NPD) matapos madakma sa ikinasang manhunt operation ng mga tauhan ng Valenzuela police sa Pasay City. Kinilala ni P/Lt. Robin Santos, hepe ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ang naarestong akusado na si Nelvin Aure […]
-
May nag-leak kasi na photos from the venue: BEA, inamin na napilitang isapubliko kaagad ang engagement nila ni DOMINIC
NAIMBITAHAN ng GMA Network si Kapuso fashion and style icon Heart Evangelista na manood ng block screening ng “Five Breakups and A Romance” nina Alden Richards at Julia Montes, doon nakasama ni Heart na manood din si Alden. Nagkaroon ng chance si Alden na matanong si Heart kung kailan sila gagawa ng kanilang […]