VIP tickets ng EHeads concert, almost sold-out na: ALDEN, nire-request na ipag-produce din ang iba pang banda
- Published on October 10, 2022
- by @peoplesbalita
MUKHANG na-inspire si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa role na ginagampanan niya sa high-rating teleserye ng GMA Network, ang “Start-Up Philippines.”
Si Alden as the Good Boy, Tristan Hernandez ay ulila pero may pangarap na magsikap para umasenso. Natupad niya iyon at isa na nga siyang CEO sa kanyang company, ang Sandbox.
Kamakailan, pagkatapos makabalik si Alden sa kanyang successful US ForwARd concert tour niya, nag-post siya ng: “Lift your heads as I present to you, MY newest business venture Myriad Corporation as a part of the momentous event, the “Eraserheads Huling El Bimbo” concert.
Si Alden ang CEO ng Myriad Corporation kaya naman marami ngayong nagri-request sa kanya na ipag-produce din niya ang iba pang banda.
Kung sinasabing napakamahal daw ng tickets ng Eraserheads, mali kayo dahil balitang halos sold out na ang mga pinakamahal nilang tickets ng concert na magaganap pa sa December 22, 2022 sa SMDC Festival Grounds.
And last Friday, October 7, nag-post ang ama niyang si Daddy Bae ng photo ni Alden with the caption na “let us support him on his another venture. He is into build and sell also, mga kapatid.”
Nasa likuran ni Alden ang isang tarpaulin ng MXP Builders, Design – Build. Owner, Richard Jr. Reyes Faulkerson. From us, congratulations, Richard!
***
HAPPY ang magpinsang sina Iya Villana-Arellano at Chef Jose Sarasola at hindi makapaniwala na nasa 4th season na sila as hosts ng “Eat Well, Live Well, Stay Well” their cooking show na nagpapakita ng mga masasarap and nutritious recipes para sa buong pamilya.
Produced ito ng Ajinomoto with GMA-7, para matulungan ang Filipino families na makapagluto ng budget-friendly pero masasarap na putahe. Muling mapapanood ang very informative show simula sa October 14 at tuwing Friday, at 11:05AM.
Ano ang bagong io-offer nina Iya at Chef Jose sa show? “We will present unique new recipes, sobrang iba sa usual dishes na niluluto namin,” wika ni Iya.
“Feeling ko I personally grow with the show, na I gain more confidence in my cooking. Hindi pa ako sure noon sa mga galawan sa kusina, pero ngayon very dependable na ako.”
Since papalapit na ang Christmas, may ipapakita ba silang bagong recipes?
“We want to share it na sana with you, but it has to be a secret muna,” sagot ni Chef Jose.
“Saka na lang, kapag malapit na ang Pasko, so abangan ninyo. We will help you with your Christmas planning for the family, perfect for noche buena. We have such interesting fusion recipes.”
***
MALAMANG na ikatutuwa ng mga fans ni Heart Evangelista, na mapapanood na muli ang kanilang idolo ngayong magkakaroon muli ng streaming ang GMA’s romantic drama series na “I Left My Heart in Sorsogon” starting on October 14 sa Netflix Philippines.
Sa romantic drama series, si Heart as Celeste, a fashion designer and socialite engaged to the most eligible bachelor in town, si Tonito (Richard Yap) at si Paolo Contis naman ay dati niyang boyfriend, si Mikoy.
Sa serye, ipinakita si Heart na nagsuot ng mga haute couture outfits from some of the world’s leading fashion houses, samantalang kinunan ang kabuuan nito sa breathtaking scenery from the southern province of Sorsogon.
(NORA V. CALDERON)
-
IATF technical working group, pag-uusapan na kung dadagdagan ang listahan ng ‘travel ban’
Nakatakdang magpulong ngayong Lunes ang technical working group ng mga ahensyang miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kaugnay ng posibilidad na pagpapataw ng travel ban sa iba pang bansa na nag-ulat ng bagong COVID-19 variant. “Ngayong hapon, may technical working group meeting ang IATF, yung mga Technical representatives will be […]
-
BLOCKBUSTER AND ACCLAIMED FILMMAKER CHRISTOPHER NOLAN’S LATEST ATOMIC THRILLER “OPPENHEIMER” NOW SHOWING IN PH CINEMAS
CHRISTOPHER Nolan, known for his acclaimed global blockbusters is about to give the audience an exhilarating experience back in time with his latest film “Oppenheimer” made and meant to be seen only in cinemas. Nolan’s films, including Tenet, Dunkirk, Interstellar, Inception and The Dark Knight trilogy, have earned more than $5 billion […]
-
Imbestigasyon sa mga hindi nagamit na malapit ng mag-expire na COVID-19 vaccines, nagpapatuloy –Nograles
PATULOY na nagsasagawa ng fact-finding investigation ang National Vaccination Operations Center (NVOC) kaugnay sa ilang COVID-19 vaccines na ipinamahagi sa ilang local government units na malapit ng mag-expire subalit hindi naiturok sa katatapos lamang na isinagawang vaccination drive Bayanihan, Bakunahan. “We’re still doing a fact-finding investigation. Wala pa kaming [we still don’t have a] […]