VM SERVO, SUPORTADO PROYEKTO AT PROGRAMA NI LACUNA
- Published on July 8, 2022
- by @peoplesbalita
NANGAKO si Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto na susuportahan niya ang lahat ng mga pangunahing programa ni Mayor Honey Lacuna-Pangan. Kabilang sa mga nasabing proyekto ay ang pagpapalago ng ekonomiya, pagpapaunlad ng buhay, kalusugan, kalinisan, kaayusan at katahimikan.
Upang mas maisakatuparan ang mga programa at proyekto ng lungsod, hiniling ng bise alkalde sa 38 Konsehal na makiisa sa pagsuporta sa layunin ng kanilang alkalde upang maipagpatuloy ang nasimulan ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso .
“Atin ding suportahan ang mga programang isusulong ng ating Mahal na Mayor Honey Lacuna. Mga programang pang-ekonomiya, pangkalusugan, pangkabuhayan, pangkalinisan at pangkatahimikan. Dalhin natin ang ating mahal na lungsod sa liwanag ng kasaganahan at dalhin natin ang bawat Manilenyo sa maayos na daan ng kaginhawahan at kapanatagan,” pahayag ng bise alkalde.
Kasabay nito, hinimok din ni Servo ang mga kasama sa Konseho na maghain ng panibagong “COC” – pero hindi ito ang “Certificate of Candidacy” kundi ang kahulugan nito ay “Compassion, Obligation at Commitment”.
Aniya, gamitin ang “COC” bilang pamantayan ng kanilang paglilingkod sa mamamayan ng Maynila, pangaraping magkaroon ng maayos na buhay ang bawat Manileño at maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng kanilang isinusulong na ordinansa.
Tulad aniya ng ginawa ng nakaraang administrasyon, ito ang naging sandalan ng kapanatagan ng bawat Manileño kaya nararapat lamang na maipagpatuloy ang lahat ng ito upang maiahon nila ang maraming mamamayan sa pagkakalugmok dulot ng nakalipas na pandemya.
“Kaya to all councilors, you are obligated to submit your priority ordinance that will be more beneficial to every Manileños,” sabi pa ng bise alkalde.
Isa rin pangako ng bise alkalde na ipagpapatuloy ang kanyang adhikain na makapag-aral ang bawat batang Maynila at maipagpatuloy ang pagkakaloob ng buwanang allowance na P1,000 sa bawat estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM), pati na ang P500 allowance sa mga estudyante ng K-12 sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. (Gene Adsuara)
-
Seniors na kumpleto bakuna vs COVID-19 makalalabas na sa GCQ, MGCQ areas
Pahihintulutan na lumabas ng kani-kanilang bahay ang mga edad 65-anyos pataas na lumabas ng bahay sa gitna ng coronavirus disease pandemic, basta kumpleto na ang kanilang dalawang doses ng bakuna. Huwebes kasi nang magpulong-pulong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) patungkol sa isyu. “Subject ito sa mga kondisyon […]
-
Bato Dela Rosa, hinikayat na magpakatotoo ukol sa pondong ginamit sa ‘rewards system’
Hinikayat ni Quad Comm co-chair Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. ng Manila si dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na ibunyag ang naging legal basis sa pagpapalabas ng karagdagang allowances para sa mga pulis na sangkot sa war on drugs. Ng nakalipas na administrasyon. “Kung […]
-
Tayuan sa bus, nakasabit sa jeep bawal – MMDA
BINALAAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga tsuper at operator ng mga pampasaherong bus at jeep sa mahigpit na pagbabawal sa mga nakatayo o nakasabit na pasahero kahit na inilagay na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR). Sinabi ni MMDA officer-in-charge and general manager Romando Artes na ito […]