• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Volume ng mga sasakyan sa NCR, sobra na- MMDA

SOBRA na ang volume o dami ng mga sasakyan sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Romando Artes na para sa taong 2021 lamang ay mayroon ng 300,000 karagdagang sasakyan sa bansa o hanggang 70% na bumabagtas sa Kalakhang Maynila.

 

 

“Sobra na po ang volume ng vehicles sa ating Kamaynilaan. Last year alone, 300,000 po ang nadagdag na vehicles sa buong Pilipinas at 60% to 70% po nyan ay pumapasok po sa Metro Manila,” ayon kay Artes.

 

 

Idinagdag pa ni Artes na ang mga concerned agencies at stakeholders na dumalo sa kamakailan lamang sa isinagawang Traffic Summit ay kapuwa sumang-ayon na ang mga sasakyan sa NCR ay dapat na mabawasan o ipakalat sa ibang lugar sa isang buong araw.

 

 

“Lahat din naman po nag-a-agree na kailangan magbawas ng bilang ng sasakyan sa kalsada or at least i-spread out all throughout the day,” ayon kay Artes.

 

 

Samantala, ipinagmalaki naman ni Artes na ang EDSA Bus Carousel program ng pamahalaan ay nakatulong para ma-cut ang end-to-end travel time ng mga mananakay dahil lumalabas na isang oras at 30 minuto na lamang ang travel time ng mga ito.

 

 

Aniya, ang end-to-end travel time sa EDSA ay naitala noon na tumatagal ng dalawa hanggang tatlong oras. (Daris Jose)

Other News
  • P6.8 milyon halaga ng shabu nasamsam sa buy bust sa Caloocan

    Tinatayang nasa P6.8 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang construction worker matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong suspek na si Masod Hadji Karim alyas “Bossing”, 36, (Pusher), Construction Worker […]

  • E-sabong isama sa mga illegal gambling – PNP

    NAIS ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na isama ang e-sabong sa listahan ng mga illegal gambling sa bansa.     Ayon kay Azurin, inirekomenda ng Anti Cybercrime Group sa Kongreso ang pagsasama ng e-sabong sa ilegal na sugal na may parusa sa ilalim ng Presidential Decree 1602.     Sinabi […]

  • Matapos na mahiwalay kay Rico: IÑIGO, suportado si MARIS sa kanyang pinagdaraanan

    2018 pa nang magtapos ang relasyong Inigo Pascual at Maris Racal.         Matagal na ring wala silang komunikasyon after ng kanilang paghihiwalay.         Sabi pa nga ni Iñigo sa isa sa mga interbyu sa kanya, na mas importante raw na kilalanin at mahalin niya muna ang sarili niya bago […]