VP Leni, misinformed sa nangyaring gulo sa pagitan ng magsasaka at pulisya
- Published on June 15, 2022
- by @peoplesbalita
PINABULAANAN ni Department of Agrarian Reform (DAR) Acting Sec. Bernie Cruz, ang naging pahayag ni VP Leni Robrero patungkol sa pang-aaresto ng pulisya sa umano’y mga magsasaka sa Hacienda Tinang sa Tarlac City.
Ito ay matapos sirain at guluhin ng higit 90 magsasaka ang mga tanim ng mga co-owners ng Collective Certificates of Land Ownership Award.
Giit ng kalihim, marahil mis-informed si Robredo sa nangyaring gulo sa pagitan ng magsasaka at kapulisan.
Sa inilabas ni Robredo na pahayag, sinabi nitong dapat i-respeto ang karapatang pantao ng mga inaresto.
Inihayag pa nito na mapayapa ang ginawang pagtitipon at walang ibang layunin ng mga magsasaka kundi magbigay ng maayos na pamumuhay sa kanilang pamilya.
-
Ads June 11, 2024
-
Pagtatayo pa ng community pantry sa iba’t ibang lugar sa bansa, hindi pipigilan ng Malakanyang
WALANG balak ang Malakanyang na pigilan ang itatayo pang community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong panahon ng pandemya. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na, ‘let a thousand community pantries bloom’ dahil ito aniya ay bayanihan. Sumasalalim aniya ito sa kagalingan ng mga Filipino sa pinakamasamang panahon. Nauna rito, […]
-
Tricycle driver isinelda sa P170K shabu sa Valenzuela
SHOOT sa selda ang 45-anyos na tricycle driver na sideline umano ang magbenta ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek […]