VP Sara Duterte, nanindigang hindi dumaan sa kanya ang mga dokumento na pirmado ni ‘Mary Grace Piattos’
- Published on November 22, 2024
- by @peoplesbalita
NANINDIGAN si Vice President Sara Duterte na hindi dumaan sa kaniya ang mga dokumento kaugnay sa mga paggastos ng confidential fund dahil ito ay direktang isinusumite sa Commission on Audit (COA) ng kanilang special disbursing officer (SDO).
Sinabi nito na hindi ito magkokomento sa pinaghahanap na si Mary Grace Piattos na siyang pumirma ng mga dokumento.
Hindi aniya nila alam kung paano ang proseso sa pagbibigay ng kopya ng mga acknowledgment receipts na isinumite sa COA patungo sa House of Representatives.
Reaksyon ito ng bise presidente na may alok na P1-milyon na reward ang House of Representatives para mahanap si “Mary Grace Piattos” na nakapirma sa confidential funds ng kanyang tanggapan. (Daris Jose)
-
Tulak timbog sa buy bust sa Caloocan, P510K shabu, nasabat
MAHIGIT kalahating milyong pisong halaga nang hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang umano’y tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Michael Labriaga, 34 ng Brgy. 175, ng lungsod. […]
-
Lakers coach Frank Vogel sinibak sa puwesto – report
SINIBAK na sa puwesto ang head coach ng Los Angeles Lakers na si Frank Vogel. Ito ay matapos ang bigong pagpasok sa NBA playoffs ng Lakers ngayong season at nagtapos ngayong season na mayroong 33 panalo at 49 na talo. Naging coach ng Lakers si Vogel noong 2019 kapalit ng tinanggal […]
-
IMMIGRATION PERSONNEL, BAWAL MAG-LEAVE SA PANAHON NG KAPASKUHAN
PINAGBABAWALAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga personnel na naka-assigned sa iba’t ibang international airport sa buong bansa na mag-leave simula sa susunod na buwan para masiguro ang sapat na bilang na mga naka-duty na Immigration officer pagsapit ng Kapaskuhan. Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang pagbabawal sa isang empleyado […]