• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara, niresbakan si Boying Remulla: Wala siyang alam sa batas

SINABI ni Vice-President Sara Duterte na walang alam sa batas si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang sabihin ng huli na “very disturbing” ang kanyang pahayag hinggil sa mga labi ni dating Pang. Ferdinand Marcos Jr..

 

Nauna rito, sa isang pulong balitaan ay inamin ni VP Sara na binalaan niya si Sen. Imee Marcos na personal niyang huhukayin ang mga labi ng ama nitong si dating Pang. Marcos at itatapon sa West Philippine Sea (WPS) kung ipagpapatuloy nila ang political attacks laban sa kanya.

 

Ayon naman kay Justice Secretary Jesus ­Crispin ‘Boying’ Remulla, ang mga naging pahayag ng bise presidente ay isang paglapas­tangan sa alaala ng dating pangulo, na matagal nang namayapa.

 

“Ipagdasal natin ang Pilipinas dahil we have a Secretary of Justice na hindi alam ang batas. There is a big difference between talking about desecration of a body and actually desecrating a body.

 

Talking about desecration of a body is not desecration of the dead,” ang sinabi ni VP Sara.

 

“Dapat sana siguro as a lawyer, maintindihan niya ‘yun kaagad but apparently, sabi nga ng iba, kapag mabilis ka, meron talagang mabagal ang pick up,” aniya pa rin.

 

“It desecrates the memory of a person, it desecrates the peaceful state that he must be in, having already perished, to disturb the body and there are many other moral principles that are being violated, and we are looking at the legal aspects also,” pahayag naman ni Remulla sabay sabing “We’re conducting a study.”

 

Inulit nito na ang naturang pahayag, mula sa isang ikalawang pangulo, na ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, ay nakakabahala.

 

“Very disturbing for a person of her rank, second highest official of the land, the remarks are unbeco­ming, I think and it does not augur well for the dignity of the office,” giit ng kalihim. “That’s very disturbing if a person can think that way and she holds a very high position. I think it’s very disturbing. Lahat naman tayo, hindi natin gusto iyong narinig natin.”

 

“Marami kasing approaches diyan. Pero it desecrates the memory of a person, it desecrates the peaceful state that he must be in, having already perished,” ang sinabi ni Remulla.

 

“There are many other moral principles that are being violated and we are looking at the legal aspects. We are conducting a study,” aniya pa rin.

 

Matatandaang ang ama ni VP Sara na si dating Pang. Rodrigo Duterte ang nagpahintulot na mailibing ang mga labi ng dating Pang. Marcos sa Libingan ng Mga Bayani noong 2016. (Daris Jose)

Other News
  • Saso 2 palo lang iwan sa opener

    TUMIKADA si Yuka Saso ng Pilipinas ng six-under par 68 para mapag-iwanan lang ng dalawang palo sa pagsisimula kamakalawa, Huwebes ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Championship Minolta Cup 2020 first round sa  JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama, Japan.   Magara ang umpisa ng 19 na taong gulang na Haponese-Pinay […]

  • Freeze order sa bank accounts at property ni Pastor Quiboloy, pinalawig pa ng CA – KOJC legal counsel

      PINALAWIG pa umano ng Court of Appeals ang inisyung freeze order sa bank accounts, ari-arian at iba pang assets ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.       Ito ang kinumpirma ng legal counsel ng KOJC na si Atty. Dinah Tolentino-Fuentes sa isang press conference sa Davao city ngayong araw ng […]

  • TOM at ZENDAYA, nadi-date na at nahuling naghahalikan sa loob ng kotse kaya nag-trending ang #Tomdaya

    NAG-TRENDING sa social media ang #Tomdaya dahil sa pagkumpirmang nagde-date na ang Spider-Man star na si Tom Holland at ang co-star niya na si Zendaya.     Namataan sina Tom at Zendaya na naghahalikan sa loob ng Audi sports car sa Los Angeles. Ang photographer na nakakuha ng photo ay natiyempuhan ng laplapan ng dalawa […]