VP Sara, pinasalamatan si PBBM dahil sa tiwala; ‘independent’ ang pananaw mula sa kanyang ama at kapatid
- Published on February 2, 2024
- by @peoplesbalita
PINASALAMATAN ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa patuloy na pagtitiwala nito sa kanya.
Tiniyak ni VP Sara na ‘independent’ ang kanyang mga pananaw sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kapatid na si Davao City Mayor Sebastian Duterte.
Sa isang kalatas, sinabi ni VP Sara na pinasasalamatan niya si Pangulong Marcos dahil patuloy na ipinagkakatiwala sa kanya ang Education portfolio sa Gabinete nito (Pangulong Marcos).
Kaya ang pakiusap ni VP Sara sa publiko ay igalang ang opinyon ng mga miyembro ng kanyang pamilya at sinabi na ang kanyang pagiging tapat ay “first and foremost” ay para sa bayan.
“Nagpapasalamat din ako kay Apo BBM (Bongbong Marcos) sa kanyang paggalang sa aking mga paninindigan, katulad na lang ng aking pagtutol sa ‘Pera kapalit ang pirma sa People’s Initiative’ dahil insulto ito sa kahirapan ng ating mga mamamayan at paglabag sa kanilang karapatang magpasya ng malaya,” ayon kay VP Sara.
Binigyang diin na nagpakita ng paggalang ang Pangulo sa iba, sinabi ni VP Sara na tama lamang na igalang din ng mga Filipino ang opinyon at paniniwala ng ibang tao kabilang na ang mga miyembro ng kanyang pamilya.
“May respeto ako sa mga pananaw at opinyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte pati na ng aking kapatid. Katulad ng posisyon ko sa maraming mga isyu, hindi kailangan na sumasang-ayon ako sa lahat ng mga ito. Pinalaki ako
ng aking mga magulang na may pagpapahalaga sa malayang pag-iisip at pagpapasya. Para sa akin, laging nangunguna ang katapatan ko sa paglilingkod sa bayan,” aniya pa rin.
Nito lamang nakaraang linggo ay itinalaga ni Pangulong Marcos si VP Sara bilang caretaker ng bansa habang nasa state visit ito sa Vietnam.
Habang pinagbibitiw naman ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte si Pangulong Marcos sa kanyang puwesto.
Ayon sa alkalde, dapat magbitiw si Pangulong Marcos kung wala itong pagmamahal at mithiin para sa Pilipinas.
Matatandaan na unang dinaluhan ni VP Sara ang Bagong Pilipinas kick-off rally na isinagawa sa Quirino Grandstand sa lungsod ng Maynila araw ng Linggo.
Kung saan inilahad ni VP Sara ang commitment ng kaniyang pinamumunuang ahensiya, ang Department of Education (DepEd), para sa paghubog ng mga kabataang Pilipino.
Dumating din ang pangalawang pangulo sa isinagawang prayer rally sa Rizal Park sa lungsod ng Davao kung saan nagpahayag ng pasasalamat si VP Sara sa suporta hindi lang ng mga Dabawenyo kundi ng lahat ng Pilipino.
Partikular na sa laban ng mga Pilipino laban sa Charter Change kung saan ipinunto ng pangalawang pangulo na dapat manindigan ang Pilipino laban sa pagbabago sa Salitang Batas sa pamamagitan ng pera kapalit ng pirma para sa People’s Initiative (PI). (Daris Jose)
-
Irving nagmatigas, hindi pa magpapabakuna
NAGMATIGAS ngayon ang NBA superstar na si Kyrie Irving na hindi pa rin nagbabago ang kanyang paninidigan na hindi magpapabakuna. Ginawa ni Irving ang pahayag kasunod na rin ng report na aabutin ng mahigit sa isang buwan na mawawala ang kanilang main man na si Kevin Durant dahil sa injury. Sa […]
-
Thankful sa pagiging kontrabida: LIEZEL, pinaghandaan ang mga confrontation scenes nila JASMIME
NASA South Korea na ang runners para sa second season ng ‘Running Man Philippines!’ Sinalubong ng winter season sa South Korea sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, and Angel Guardian. Ngayong second season, extra challenging ang labanan dahil tag-lamig at nagyeyelo pa sa South […]
-
Ads February 26, 2021