• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara, sasabak sa susunod na eleksyon

NGAYON pa lamang ay idineklara na ni Vice President Sara Duterte na sasabak siya sa susunod na eleksyon.

 

 

Hindi naman binanggit ni VP Sara kung anong posisyon ang plano niyang takbuhin lalo pa’t ang kanyang termino bilang Bise-Presidente ay magtatapos pa sa 2028.

 

 

Ang susunod na halalan sa bansa ay sa taong 2025, ito’y para sa Senate, congressional, at local seats.

 

 

Sa naging talumpati ni VP Sara sa isang event sa Davao City, sinabi nito na “I heard my brothers, Mayor Baste and Congressman Pulong, say that they will not run in the next election, so I am here today to campaign with you because I will run in the next election”, tinukoy ang kanyang mga kapatid na si Davao City Mayor Sebastian Duterte at Davao City 1st District Representative Paolo Duterte.

 

 

Sa kabilang dako, dismayado naman si VP Sara sa di umano’y “buying of signatures” para sa sinasabing people’s initiative para amiyendahan ang ilang probisyon sa Saligang Batas.

 

 

Para kay VP Sara, insulto aniya iyon sa mga ordinaryo at mahirap na mamamayang Filipino.

 

 

Sumasalamin aniya ito sa karakter ng isang politician, sa isyu ng vote-buying tuwing eleksyon.

 

 

“So nakakasama ng loob na ginaganoon yung mga tao na kailangan pa suhulan para papirmahin sa people’s initiative ,” ayon kay VP Sara. (Daris Jose)

Other News
  • Isabela muling maghohost ng Patafa Open

    ISASAGAWA muli ang taunang Philippine Athletic Track and Field Association (Patafa) National Open sa mistulang bahay nito sa mga nakalipas na taon bago naganap ang malawakang COVID-19 pandemic sa tinaguriang “Corn Capital of the Philippines” na Ilagan, Isabela.   “Watch out for this historic sporting event happening again in our beloved City of Ilagan this […]

  • China harassment sa Ayungin hindi armadong pag-atake -Malakanyang

    SINABI ng Malakanyang na hindi armadong pag-atake na maaaring mag-trigger sa Mutual Defense Treaty ng Pilipinas sa Estados Unidos ang bagong insidente ng harassment ng China vessels sa Philippine boats, dahilan para maputulan ng hinlalaki ng daliri ang isang Navy man at nasugatan ang iba.       Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na […]

  • CHED: 126 unibersidad, nagpatupad ng academic break; 123 pa susunod na rin

    KABUUANG 126 unibersidad na sa bansa ang nagpatupad ng academic break simula nitong Ene­ro, kasunod nang panibagong surge ng COVID-19.     Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera III, may ilang unibersidad ang nagdeklara na ng academic break bago pa man itaas ang Alert Level 3 ng COVID-19 sa ilang […]