• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Wag choosy sa bakuna – Malacañang

Hindi maaaring mamili ng brand ng libreng bakuna ang mga magpapaturok, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Sinabi ni Roque na bagaman at may karapatan ang lahat upang magkaroon ng mabuting kalusugan pero hindi maaaring maging pihikan sa mga babakunahan.

 

“Totoo po, meron tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman po pwede na pihikan dahil napakaraming Pilipino na dapat turukan,” sabi ni Roque.

 

Sinabi pa ni Roque na hindi maaaring mamili dahil hindi naman pipilitin ang mga ayaw magpabakuna.

 

Pero kailangan aniyang lumagda sa isang waiver ang ayaw magpaturok lalo na kung kasama ito sa listahan ng mga prayoridad na tuturukan.

 

“Wala pong pilian, wala kasing pilitan. Pero magsa-sign ka ng waiver na hindi ka nagpaturok at kapag ikaw ay may prayoridad, siyempre mawawala ang prayoridad mo, sasama ka sa the rest ng taumbayan na naghihintay ng bakuna,” ani Roque.

 

Sinabi pa ni Roque na hindi naman makokontrol kung ano ang darating na bakuna kaya hindi maaa­ring mamili.

 

“So tama lang naman po ’yan, walang pilian kasi hindi naman natin makokontrol talaga kung ano ang darating at libre po ito,” sabi ni Roque. (Daris Jose)

Other News
  • OCD, sa mga residente ng Cagayan Valley: Maghanda para sa epekto ng low pressure area

    PINAYUHAN ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga residente ng Cagayan Valley (Region 2) na maghanda para sa potensiyal na epekto ng bagong low pressure area (LPA) na maaaring ma-develop sa isang tropical depression sa loob ng 24 oras.     Sa ilalim ng paggabay ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. at OCD Administrator […]

  • Siya na raw ang ‘Donnalyn Bartoleme’ part 2: KRIS, nakisawsaw at ipinagtanggol pa ang maling ginawa ni ALEX

    MARAMI ang pumuri kay Ria Atayde sa pagiging bagong Calendar Girl niya ng White Castle Whisky.        Binali kasi ni Ria ang nakasanayang image o molde ng isang White Castle Whisky Calendar Girl na kailangan payat na payat para masabing sexy.     Ang iprinisinta rin daw na advocacy ng brand ang dahilan kung […]

  • 2 pasaway sa ordinansa sa Caloocan, dinampot sa boga

    SA halip na multa lang dahil sa paglabag sa ordinansa, sa selda ang bagsak ng dalawang lalaki matapos silang arestuhin ng pulisya dahil sa ilegal na pagdadala ng baril sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, unang nasita ng mga tauhan ng Police Sub-Station 11 […]