• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Wag lang magkuripot Alaska Milk: Manuel handang patali

MAAARI pa ring magpapako sa Alaska Milk ang naghihimagsik na si Victorino ‘Vic’ Manuel basta’t huwag lang magkuripot sa kanya ang Aces sa panibagong kontrata umpisa sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa Abril 9.

 

Namutawi ito sa 33-taong-gulang, may 6-4 ang taas at tubong Licab, Nueva Ecija sa pagdalo sa Sports All-In araw ng Lunes na napanood ng Opensa Depensa, dalawang araw makaraang galit na ihayag ng power forward ang pagsibat sa Uytengsu franchise.

 

Ugat ito sa dalawang taong alok lang na contract extension na may P420K monthly maximum paycheck ng prangkiga, pero may team, option pa ang ikalawang taon, ayon sa coach ng gatas na si Jeffrey Cariaso sa kaagahan ng Enero.

 

Pero ngayong nabatid ng incoming nine-year pro veteran ang hinaing niya sa koponan sa pamagitan ng kanyang  magaling na agent-manager na si Danny Espiritu, kumpiyansa siyang itaas ni Alaska governor/team manager Richard ‘Dickie’ Bachmann ang kontrata sa tatlong taon na aabutin sa P15M.

 

“Hindi pa natin alam kung ano mangyayari. Kahit ano man mangyari, kailangan mag-move on. Kahit mawala ako, nandiyan pa rin naman ‘yung team at ‘yung players. Nandiyan pa rin yung suporta ko,” lahad ng basketbolistang produkto ng PSBA Jaguars. “Malay natin makasundo pa.”

 

Makukuntento na sina Manuel at Espiritu sa tatlong taon ang babaguhing kasunduan na magiging  garantisado ito para sa manlalaro lalo’t palagay na ang una sa team na bahay niya ng pitong taon. (REC) 

Other News
  • LTO: “No registration, No travel”

    PINAIGTING ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang polisiya sa “no registration, no travel” kung saan nakipagsanib ng lakas ang LTO sa Philippine Coast Guard (PCG) laban sa mga hindi rehistradong pribado at public utility vehicles (PUVs). Sa huling pakikipagusap ng LTO sa PCG ay nagkaron na ng finalization ang mga strategic plans sa pagpapatupad […]

  • 40,000 KAPSULA NG ANTI COVID, NAI-DELIVER NA SA MAYNILA

    NATANGGAP na ng pamahalaang lungsod ng Manila ang 40,000 kapsula ng anti-Covid drug na Molnupiravir.   Ang nasabing gamot para sa COVID-19 ay idiniliber sa Sta.Ana Hospital kung saan mismong si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Aksyon Demokratiko Presidential aspirant ang nanguna sa symbolic turn-over  ng ilang kahon ng Molnupiravir sa Manila Covid 19 […]

  • NAGSULPUTANG PEKENG COVID VACCINE, BABANTAYAN NG NBI

    NAGSASAGAWA ng monitoring ang  National Bureau of Investigation (NBI) para mabantayan ang pagpuslit ng mga nagsulputang  pekeng  Covid-19 vaccines sa bansa.   Kaugnay nito, sinimulan na rin ng NBI ang imbestigasyon sa importation, selling at distribution ng Covid-19 vaccine na hindi dumaan sa tamang proseso at hindi aprubado ng food and Drugs Administration (FDA).   […]