‘Wag ninyo akong gawing punching bag! – Sara
- Published on August 27, 2021
- by @peoplesbalita
Binanatan ni Davao City Mayor Sara Duterte si Senator Koko Pimentel at Ronwald Musayac, executive director ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), dahil sa diumano’y paninisi sa kanya sa pagkakawatak ng partido.
Sinabi ni Sara na hindi siya isang ‘Last Two Minutes’ person at hindi siya papayag na maging isang political punching bag ng isang magulong partido.
“I am not a “Last two minutes” person I think, I organize and implement accor-dingly. In the meantime, I refuse to be a political punching bag for a party in complete disarray”, pahayag ng presidential daughter.
Sa statement ni Sara, sinabi nito na mismong si Duterte ang nagkumpirma sa kanya na tatakbo itong bise presidente samantalang si Go ang tatakbong presidente.
Sinabi ni Sara na dapat tigilan na ang paggamit sa kanyang pangalan at isangkalan upang hindi kumandidato sina Duterte at Go.
“I strongly suggest to the President and Senator Go to own up publicly their decision to run as a tandem. If they can confirm it privately, then I do not see the reason why they cannot be candid about it to the public,” ani Sara.
Inamin din ni Sara na nakatanggap sila ng dalawang sulat mula sa Presidente kung saan sa una ay hiniling nito na iindorso ang Go-Duterte tandem at ang pangalawa ay nagsusulong na kumandidato siyang presidente ka-tandem si Go.
Iginiit ni Sara na dapat ay tigilan na siya at iprisinta na lang sa publiko kung papaano sila makakatulong sa mga mamamayan. (Daris Jose)
-
PDU30, inakusahan ang Senado na sangkot sa ‘fishing expedition’
MULING binatikos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga senador lalo na si Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon, dahil sa halatadong pag-witch hunt para makakuha ng ganansiya sa politika. Sa mga bagong bira ng Pangulo laban kay Gordon, inulit ng Chief Executive ang kanyang akusasyon laban kay Gordon na ginagamit ang kanyang […]
-
PBA: NorthPort stops import-less Converge
Pinigil ng NorthPort ang 7 WINNING STREAK ng Converge team na nagpasyang umupo sa import na si Quincy Miller matapos manaig sa 112-97 sa PBA Commissioner’s Cup noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum. Umiskor si rookie William Navarro ng career-high na 29 puntos habang nagdagdag ng 17 rebounds at siyam na assists nang manalo […]
-
Nasimulan at ipinaglalaban ni Cong. ALFRED, ipagpapatuloy ni Konsehal PM
NAGSUMITE na ng Certificate of Candidacy ang kapatid ni Congressman Alfred Vargas na si Konsehal PM Vargas sa pagka-kongresista ng 5th District ng Quezon City nitong Lunes, Oktubre 4. Sinamahan ni Alfred ang kapatid at masayang-masaya niyang ibinalita na lahat ng sinimulan niya sa kanilang distrito ay ipagpapatuloy ni PM. Aniya, “I […]