• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala namang masama kung aminin na nila: Relasyon nina MILES at ELIJAH, naging official sa Instagram

NAGING Instagram official pala na ang relasyon nina Miles Ocampo at Elijah Canlas.

 

Pinost ni Miles sa kanyang Instagram account ang ilang photos sa kanyang mga naging birthday celebration noong nakaraang May 1. Sa pinakahuling photo na black and white, may kayakap siyang lalake. Yun ay walang iba kundi si Elijah.

 

Sa IG naman ni Elijah ay may pinost siyang TikTok video nila ni Miles at may caption na: “Happy birthday to my favorite person in the world! Here’s to more adventures and memories.”

 

Sa isang post ni Elijah, nag-comment si Miles ng, “Hi crush!”

 

Wala namang masama kung aminin na ng dalawa ang kanilang relasyon. Mas matanda nga lang si Miles kay Elijah ng apat na taon. 25 na si Miles samantalang 21 naman si Elijah.

 

Unang nagkasama sa music video ng “Sandali Lang” ng Over October sina Miles at Elijah. May followers sila na umaasang magkasama sila sa isang drama series.

 

Kasalukuyang nasa series na Love Vs. Stars si Miles habang may Gameboys 2 naman si Elijah.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Duque handang ‘mabinyagan’ ng COVID-19 vaccine; hinimok din ang mga kapwa gov’t officials

    Tinanggap ni Health Sec. Francisco Duque III ang hamon ng isang senador na maturukan ng COVID-19 vaccine para maibsan ang takot ng publiko sa bakuna.   Ayon sa kalihim, basta’t dumaan sa evaluation ng Department of Science and Technology (DOST) vaccine expert panel, research ethics board, at Food and Drug Administration (FDA) ay handa siyang […]

  • 3×3 Manila nasa Doha na

    Dumating na sa Doha, Qatar ang 3×3 Manila squad para sa prestihiyosong FIBA 3×3 World Tour – Doha Masters na aarangkada sa Nobyembre 20 hanggang 21.   Nakaabot sa deadline sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike at Santi Santillan dahil Nobyembre 16 ang huling araw ng itinakdang petsa ng FIBA para makapasok sa bubble. […]

  • Duterte, Go pinuri ang modernisasyon ng Navotas Fish Port Complex

    NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Navotas City Congressman John Rey Tiangco kay President Rodrigo Roa Duterte at Senator Bong Go sa kanilang suporta na naging daan para sa modernisayon ngt Navotas Fish Port Complex (NFPC).     Ayon kay Cong. Tiangco, ang kanyang House Bill 875 na naipasa na at naaprubahan sa lower chamber ay magpapaganda […]