• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WALA PANG COVID 19 VACCINE MANUFACTURER NA NAG-AAPLY NG EMERGENCY USE AUTHORIZATION SA PILIPINAS- FDA

HANGGANG ngayon ay wala pang COVID 19 vaccine manufacturer ang pormal na nag-a-apply ng Emergecy Use Authorization  o EUA sa Pilipinas.

 

Sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Doctor Eric Domingo na bagama’t mayroon ng mga anti-COVID 19 vaccine na nabigyan ng EUA sa ibang bansa wala pang application sa FDA ng Pilipinas.

 

Sinabi ni  Domingo na  kabilang sa anti COVID 19 vaccine na mayroon ng EUA  sa United Kingdom, Bharain at China ay ang Pfizer ng Amerika, Sinovac at Sinopharm ng China.

 

Aniya, sa  sandaling magsumite ng EUA application ang Pfizer, Sinovac at Sinopharm ay agad itong aaksyunan ng FDA panel of expert.

 

Sa kabilang dako, nilinaw naman  ni Domingo na mapapadali ang evaluation ng FDA dahil nabigyan na ng EUA sa country of origin ang Pfizer, Sinovac at Sinopaharm na itinuturing na Matured Regulatory Agency at National Regulatory Authority.

 

Giit ni Domingo  na mahigpit na susundin ng FDA ang guidelines for issuance of Emergency Use Authorization na nakapaloob sa Executive Order 121 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan ang aplikanteng vaccine manufacturer ay mayroong valid licence to operate, good manufacturing practice at mayroong safety and efficacy data. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • DOTr, tataasan pa hanggang P260-K ang subsidiya para sa mga modern jeepney

    INIHAYAG  ng Department of Transportation (DOTr) na plano nitong taasan pa ang equity subsidy para sa tsuper ng mga public utility vehicles ng hanggang Php260,000.     Ito ay upang mabigyan sila ng pondo at pagkakataon na makabili ng mga e-jeepney para sa ipapatupad na PUV modernization program ng pamahalaan.     Paliwanag ni DOTr […]

  • Nagpapasalamat kay Sen. Chiz na palaging nakasuporta: HEART, umamin na grabeng pressure ang pinagdaanan para magka-baby

    SA isang exclusive interview ng Mega Magazine, inamin ni Heart Evangelista ang grabeng pressure na magka-baby sila ng esposo na si Sen. Chiz Escudero na kung saan walong taon na silang kasal at nagsasama sa February 15.     “I think it was a lot about being pressured to have a baby,” pag-amin ni Heart.   […]

  • DOH: 12K COVID-19 testing backlogs sanhi ng ‘overwhelmed’ labs

    Higit 12,000 ng isinumiteng sample para sa COVID-19 ang kinonsiderang backlogs sa iba’t ibang laboratoryo sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) noong Biyernes.   Sa isang virtual forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang sa mga dahilan ng pagkakaroon ng delay sa pagproseso ng mga sample na ito ay dahil […]