• April 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang “favoritism” sa distribusyon ng Covid-19 vaccine

WALANG “favoritism” sa distribusyon ng COVID-19 vaccines sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

Ito ang tugon ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa sinabi ni dating Health secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin, na mayroong “palakasan” o patronage system sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines.

 

“Dini-distribute natin ang ating mga vaccine sa mga [Centers for Health Development] ang ating tinatawag na sa mga regional CHD ng DOH at the same time sa mga [local government units] at mayors ng highly urbanized [areas],” ani Galvez.

 

“Ang gusto kasi ni former Sec. Garin sa kanya ibigay namin ‘yung doses which is hindi naman tama. Kasi humihingi siya ng allocation. Maguguluhan po ang ibang mga LGUs kasi ‘di siya nasa lineage ng distribution. ‘Yung accounting mahihirapan po tayo at ang administration,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa, may ilang politiko ang nais gamitin at umepal sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan para sa kanilang pansariling political agenda.

 

“‘Yung nakikita po kasi namin na gingamit ang vaccine sa politika. ‘Yun ang dini-discourage namin na please do not use the vaccine as a political weapon ang nakikita namin sa poster sila mismo kumukuha sa mga airports. It seems na parang sa kanila galing ang vaccines,” ayon kay Galvez.

 

Nilinaw din ni Galvez na may ilang LGU officials ang ipinatatawag para magpaliwanag kung bakit kailangan ng mga ito ng mas maraming bakuna sa kanilang lugar.

 

Tinukoy nito ang kaso sa Cagayan de Oro City kung saan ay umapela sa national government para sa mas maraming COVID-19 vaccine doses  dahil na rin sa nahaharap ito sa mataas na kaso ng COVID-19.

 

“We would like to contest ‘yung sinasabi ni [Congresswoman] Garin kasi wala po talagang favoritism ang ginagawa natin. Ang ginagawa natin ‘pag tumawag ang LGU and they rationalize na ‘kailangan namin ng ganitong vaccine kasi ito pa lang ang natatanggap namin,’” aon kay Galvez.

 

Ani Galvez, ibinibigay nila ang bakunang hinihingi ng LGUs upang sa gayon ay hindi ma-discouraged ito na tulungan ang gobyerno sa vaccine rollout. (Daris Jose)

Other News
  • Ginang timbog sa sugal at shabu

    Balik-kulungan ang isang 45-anyos na ginang matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto ng mga pulis habang naglalaro ng cara y cruz sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlos Irasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga […]

  • Tennis legend Serena Williams naiyak matapos matalo sa 3rd round ng US Open, pero magreretiro na nga ba?

    NAPUNO ng emosyon ang pagtatapos ng laro ng tennis legend na si Serena Williams makaraang matalo sa third round sa US Open kay Ajla Tomljanovic ng Australia sa score na 7-5, 6-7 (4), 6-1.     Naiyak si Williams lalo na at dumadagundong sa pag-cheer sa kanya ang mahigit 23,000 fans na bumuhos sa Arthur […]

  • 24/7 NA BAKUNAHAN, ISASAGAWA SA MAYNILA

    MAGSASAGAWA ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ng 24/7 COVID-19 mass vaccination sa mga susunod na linggo.     Dahil sa plano ng lokal na pamahalaang lungsod, nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na nangangailangan sila ng mga magboboluntaryo para sa 24/7 na bakunahan sa Maynila.     Aniya, bukas ang Manila Health […]