• January 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang magbabago sa mga proseso kahit may appointed na Vaccine Czar: DOH

DINEPENSAHAN ng Department of Health (DOH) ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sec. Carlito Galvez bilang vaccine czar.

 

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, wala namang magbabago sa prosesong ginagawa ngayon ng mga nakatalagang opisyal na nangangasiwa sa development at pag-aangkat ng COVID-19 vaccine, dahil in-appoint ng presidente si Galvez.

 

“Wala tayong babaguhin sa mga proseso just because Sec. Galvez was assigned as the vaccine czar. All the processes will be continued. Ito ay magkakaroon lang ng additional na makakasama natin magle-lead sa atin.”

 

Sesentro raw ang mandato ni Galvez sa pamumuno ng pagbili, negosasyon, manufacturing, produksyon at distribusyon ng mga mapipiling COVID-19 va cine para sa Pilipinas.

 

Makakasama rin ng opisyal ang iba pang tanggapan ng pamahalaan na nakatalagang magtulungan para sa pag-aaral at pagpili ng bakuna.

 

“(Galvez) will not work alone. He will still work with us, the DOST, DOH, DTI, DOF, DFA and Bureau of Investments at iba pang ahensya. Katulong natin sya, ang magle-lead sa amin.”

 

“Yung regulatory process to ensure that these vaccines and efficacious ay ipapatupad pa rin.”

 

Nilinaw ni Vergeire na ang pagkaka-appoint kay Galvez ay para mabigyan ng direksyon ang pagbili at pagdating sa bansa ng mga bakuna.

 

Hindi naman daw masasantabi ang trabaho ng iba pang eksperto na katuwang ng pamahalaan sa nakalipas na mga buwan.

 

“Mayroon tayong vaccine expert panel from DOST, technical advisory group ng DOH, at vaccinologist sa iba’t-ibang scientific institutions na pwedeng i-tap.”

 

Nauna nang nagpahayag ng suporta si Dr. Jaime Montoya, executive ng Philippine Council for Health Research and Development, at miyembro ng sub- technical working group on vaccines, sa appointment ni Galvez.

Other News
  • PDu30, nais na bilisan ang rehab efforts sa Marawi City

    NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bilisan ang rehabilitation efforts sa Marawi City.   Tinatayang may tatlong taon na kasi ang nakalilipas mula ng makalaya ito mula sa local terror group.   “Let’s just say we are satisfied but the President, of course, would appreciate it if it can be hastened,” ayon kay presidential […]

  • ZIA, naging personal photographer: DINGDONG at MARIAN, nagbigay ng mapusong mensahe nila para kay SIXTO

    WOW, naman!     May sarili nang personal photographer ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, walang iba kundi ang panganay nilang si Zia na nagpakita ng kanyang photography skills sa kuha niya during their vacation noon Holy Week.     Nagpunta ng Pangulasian Island Resort sa El Nido, Palawan, ang Dantes family para doon […]

  • Pagpapalabas ng 92 milyong nat’l IDs sa taong 2023 itinutulak

    IPINAG-UTOS ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa  Philippine Statistics Authority  ang pagpapalabas ng 30 milyong national IDs bago matapos ang taong 2022.     Gusto rin ni PBBM na maabot ang “target goal” na 92 milyon sa kalagitnaan ng susunod na taon.     Tinukoy ng Pangulo  ang mahalagang gampanin ng  digital transformation.     […]