Walang pagsisikip sa pantalan ngayong holiday season
- Published on December 20, 2024
- by @peoplesbalita
WALANG nakikitang pagsisikip sa mga pantalan ngayong holiday season, ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago.
Kasabay nito, muling nagpaalala si Santiago s amga pasahero na mag-ingat sa mga masasamang-loob na target manloko sa mga pasaherong babiyahe sa kani-kanilang mga probinsya.
Nagpapatupad na ng heightened alert sa lahat ng mga pantalan sa ilalim ng pamumuno ng PPA bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng mga pasahero para sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon sa pamamagitan ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2024.
Bukod dito ay nagpatupad din si Santiago ng Full Manpower at No Leave Policy para sa mga empleyado na nasa frontline.
Inaasahan ng PPA ang humigit-kumulang na 4.5 na milyong mga pasahero na babiyahe ngayong holiday season simula Disyembre 22 hanggang Enero 3. Sa Disyembre 23 at Enero 3 ang tinataya na pinakadagsa ang mga pasahero uuwi sa kanilang mga probinsya at babalik na sa kanilang mga trabaho.
Nakaantabay naman ang mga port police at iba pang kawani ng PPA sa lahat ng mga pantalan para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Kaugnay nito, nagpaalala si GM Santiago sa mga pasahero na maging alerto sa mga scammer gaya ng mga nag-aalok ng travel insurance kahit na hindi naman ito mandatory na kailangan sa pagsakay ng barko. Pinaalalahanan din nito ang lahat ng mga pasahero na huwag nang magdala ng mga pinagbabawal na ipasok sa pantalan, gaya ng mga flammable material, matutulis na armas at alak. (Gene Adsuara)
-
PINOY PUGS VS JAPANESE RIVALS SA INT’L BOXING
PINOY laban sa Hapon ang namumuong hidwaan ngayon sa international boxing. Isa pang Philippine-Japan fight ang masasaksihan matapos ang naikasang laban nina Giemel Magramo at Japanese pug Junto Nakatani sa Abril 4 sa Tokyo, Japan. Pag-aagawan nina Magramo at Nakatani ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) flyweight crown na iniwan ni Japanese Kosei […]
-
Matandang dalaga kulong sa P340K shabu sa Caloocan
ISANG 39-anyos na dalaga na itinuturing bilang isang high value individual (HVI) ang dumayo pa umano para magbenta ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang […]
-
NAVOTAS’ COVID RESPONSE PINURI NI DUQUE
Pinuri ni Health Secretary Francisco Duque III ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa matagumpay na pagtugon kontra Coronavirus Disease 2019 pandemic. Si Duque at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa mga miyembro ng COVID-19 Vaccine Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team na bumisita sa Navotas Polytechnic College upang suriin ang cold room […]