Walang Pinoy casualty sa deadly triple-train crash sa India – envoy
- Published on June 6, 2023
- by @peoplesbalita
WALANG mga Filipino ang kabilang sa nasawi o nasugatan sa nangyaring deadly triple-train collission malapit sa Balasore silangang estado ng Odisha.
Ito ang inihayag ng Embassy of the Philippines sa New Dehli, India.
Batay sa ulat ng mga otoridad halos nasa 300 na ang nasawi habang nasa 900 ang sugatan at kasalukuyang ginagamot sa ibat ibang hospital.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Philippine envoy to India Mr. Josel Ignacio,sinabi nito na wala silang natanggap na ulat na may mga Pinoy ang nasangkot sa nangyaring insidente.
Sa panig naman ni Mr. John Boitte C. Santos, Chargé d’ Affaires ng Philippine Embassy sa India, kaniyang sinabi na nakikipag-ugnayan sila sa Philippine Honorary Consulate sa Kolkata na siyang may jurisdiction sa Odisha at sinabing walang Filipino ang nasangkot sa nasabing aksidente. (Daris Jose)
-
Jovita Espenida-Meneses, natatanging Alagad ng Sining sa Sayaw
LUNGSOD NG MALOLOS- Bilang pagbibigay-pugay sa isang mahusay na mananayaw at guro na ginugol ang kanyang buhay sa pagpapayaman ng sining ng sayaw sa mga estudyanteng Bulakenyo, binigyang parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office si Jovita Espenida-Meneses, isang Natatanging Alagad ng Sining sa Sayaw sa […]
-
Mga tinaguriang “new poor” na nalilikha ng epekto ng pandemya, maaaring manggaling sa mga OFW at nasa industriya ng turismo-Malakanyang
PARA sa Malakanyang, ang turismo at mga OFW ang sektor na pinakamatinding tinamaan ng pandemya dito sa bansa. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, posibleng magmula sa nasabing sektor ang sinasabi ng World Bank na tinaguriang new poor o ang mga dati nang nakabangon sa kahirapan at maaaring muling magbalik sa kahirapan dahil sa […]
-
Obiena nakatutok sa mga sasalihang torneo
HABANG napirmahan na ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang Mediation Agreement ng Philippine Sports Commission (PSC) ay tila hindi pa ito iniisip ni national pole vaulter Ernest John Obiena. Sa panayam ng Radyo Katipunan 87.9 ay hindi sinabi ng Tokyo Olympics campaigner kung kailan niya lalagdaan ang nasabing kasunduan na […]