Warehouse ng toothpaste, sabon sa Malabon nasunog
- Published on April 27, 2022
- by @peoplesbalita
TINATAYANG humigi’t-kumulang P2 milyon halaga ang naging pinsala sa ari-arian matapos sumiklab ang sunog sa isang warehouse ng toothpaste at sabon sa Malabon City, Martes ng madaling araw.
Ayon sa Malabon Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-12:56 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa warehouse ng Prime One Packing Design Corporation na matatagpuan sa No. 11 Mango Road, Brgy. Potero.
Mabilis namang rumesponde sa naturang lugar ang mga fire trucks at iba’t ibang fire volunteers para maagapan na hindi kumalat ang apoy sa mga katabing kabahayan.
Rumesponde rin sa lugar ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 para tumulong sa pagpapanatili ng peace and order at makontrol ang pagdami ng mga tao.
Umabot sa unang alarma ang sunog na idineklarang fire-out dakong 1:51 ng madaling araw kung saan wala namang napaulat na nasawi o nasaktan sa insidente.
Wala rin nadamay na mga kabahayan sa sunog kung saan inaalam pa ng BFP ang naging sanhi ng insidente.
Ito na umano ang ikalawang pagkakataon na nasunog ang warehouse matapos itong madamay sa nasunog na katabing establishment noong 2020. (Richard Mesa)
-
4 drug suspects timbog sa P1.2M shabu sa Caloocan
Arestado ang apat na drug suspects, kabilang ang top one drug personality ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz, dakong 10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba […]
-
Dalawang panukala para sa pagkakaroon ng Bayanihan 3, tinalakay
Kumpiyansa si House Ways and Means Chairman Joey Salceda na sa ilalim ng House Bill 8059 o Bayanihan to Rebuild as One Act ay tataas ang GDP baseline ng bansa sa 2021 sa 1.90% at magreresulta ito sa 78,000 na trabaho. Pangunahin target na tugunan sa bersyon ng Bayanihan 3 na inihain nila Salceda, […]
-
PNP sinuspinde ang ‘BMI policy’ sa pagdidyeta bilang requirement sa promotion ng mga pulis
Inaprubahan na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang rekomendasyon ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na suspindihin ang requirement ng Body Mass Index (BMI) para sa promotion ng mga pulis. “I already approved it,” mensahe na ipinadala ni PNP chief Eleazar. Sa memorandum na inilabas ni M/Gen. Rolando […]