• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Warehouse staff sugatan sa pananaksak sa Navotas

SUGATAN ang 26-anyos na warehouse staff matapos saksakin ng babaeng kapitbahay na kanyang nakatalo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktimang si Jerome Cunanan, 26, ng A Santiago St., Brgy., Sipac Almacen.

 

 

Sa ulat nina PSSg Levi Salazar at PSSg Allan Navata kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, dakong alas-10:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa Alley-3 corner Santiago St., Sipac-Almacen.

 

 

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na naglalaro ang biktima ng darts sa nasabing lugar, kasama ang kanyang mga kapitbahay nang dumaan ang suspek na si alyas ‘Darnell’, 22, casino dealer at nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nilang dalawa.

 

 

Sa kainitan ng pagtatalo, nilapitan ng suspek ang biktima saka inundayan ng saksak sa ulo hanggang sa magawa niyang makalayo habang naawat naman ng mga bystander si ‘Darnell’.

 

 

Matapos ang insidente, isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan habang naaresto naman ng rumespondeng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3 ang suspek at nakuha sa kanya ang isang fan knife. (Richard Mesa)

Other News
  • Caperal sa Barangay Ginebra San Miguel nagkapangalan

    MUKHANG magwawakas na ang professional basketball career ni Prince Caperal noong 2017.   Kulelat na siya sa Terrafirma Dyip (dating Columbian Dyip), pinakawalan na siya at naging free agent. Wala ng nagkainteres sa kanyang Philippine Basketball Association (PBA) teams.   Nasilip siya ni Barangay Ginebra San Miguel team governor/team manager Alfrancis Chua ang 6-foot-7 big […]

  • BI nanawagan sa mga Airlines na huwag pasakayin ang mga banyaga na walang VISAS

    UMAPELA ang Bureau of Immigration (BI) sa mga airlines na huwag pasakayain ang mga banyaga na papunta sa Pilipinas na walang naangkop na visa para pumasok sa bansa.   Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ito ay bunsod sa ulat na maraming mga banyaga ang tinanggihan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kawalan […]

  • Mga barangay chairman na pabaya sa pagkalat ng COVID-19 ipapaaresto na – Duterte

    Muling ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapulisan na arestuhin ang mga punong barangay na bigong pagbawalan ang mga nagaganap na mass gathering para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.     Sinabi ng pangulo, isang pagpapabaya sa mga sinumpaang tungkulin ng punong barangay kapag hahayaan lamang magkaroon ng hawaan ng virus.     Dagdag […]