• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Warrant of arrest naisilbi na vs Quiboloy – PNP

NAIHAIN na ng ­Philippine National Police (PNP) ang 2 warrant of arrest sa kasong Child Abuse  at  Sexual abuse na ipinalabas ng Davao City Regional Trial Court laban kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy at 5 iba pang mga akusado, nitong Miyerkules.

 

 

Ayon kay BGen Alden Delvo, Davao Region Police Director, naisilbi na ang 2 warrant of arrest sa paglabag sa Republic Act 7610 o (The Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act) sa Kingdom of Jesus Christ para kay Quiboloy

 

 

“Pumunta kami sa Kingdom of Jesus Christ kay Apollo Quiboloy dito sa airport at sinerve namin ‘yung WOA, binigay namin sa administrator sa gusali or building na ‘yun” saad ni Delvo.

 

 

Aniya, nakausap na nila ang lawyer ni Quiboloy para sa pagsuko nito para siya makapag-bail batay sa ipinalabas na warrant of arrest ng korte.

 

 

“Yung WOA ni Pastor Quiboloy under his name only has a P200,000 bail bond for other sexual abuse and then the rest na kasama rin naman si Pastor Quiboloy are 80,000 for other acts of child abuse under sec. 10 of RA 7610,” ani Delvo.

 

 

Umaasa si Delvo na lalantad o susuko si Quiboloy sa mga darating na mga araw bagama’t sakaling mabigo ito ay maglu­lunsad sila nang manhunt laban sa nasabing Pastor.

 

 

“Well of course just like any other WOA there will be a manhunt operation. He will be a fugitive, alam mo naman may WOA siya the authorities will exert effort in arresting him” dagdag ni Delvo.

 

 

Kaugnay nito sinabi ni Delvo na nasa kustodiya ng National Bureau of investigation (NBI) si Tamayong Brgy. Captain Cresente Canada, isa sa 5 akusado matapos ito sumuko nang lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya.

 

 

Boluntaryo namang sumuko ang mga akusadong sina Paulene ­Canada at Sylvia Cemanes.

 

 

Una rito ay naglabas ng warrant of arrest ang Davao court laban kay ­Quiboloy at limang iba pa dahil sa kasong child abuse. (Daris Jose)

Other News
  • LIZA, nagdurugo ang puso para sa mga Pinoy na apektado ng pandemya; may sagot sa pumuna sa kanyang tweets

    SIGURO nga, expected na ‘yung mga DDS o loyalista ng Pangulo ng bansang Pilipinas ay against sa naging tweet ni Liza Soberano.       Pero mas marami ang saludo sa Kapamilya actress. Mas marami ang nagsasabing “sana all” ay Liza Soberano.     Hindi lang siya beauty at talents, may brain at may compassion talaga […]

  • 2 bagets huli sa aktong sumisinghot ng shabu

    Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa droga, kabilang ang 17-anyos na binatilyo matapos mahuli sa akto ng mga tauhan ng Maritime Police na sumisinghot ng shabu sa Navotas City.   Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MAPSTA) head P/Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Joel Dela Cruz, 18 ng Brgy. Tañong, Malabon city […]

  • PBA balik na sa Pebrero 11

    KASADO na ang pagbabalik-aksiyon ng Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup sa Pebrero 11 na posibleng ganapin sa Smart-Araneta Coliseum.     Kinumpirma ni PBA commissioner Willie Marcial ang magandang balita kung saan nakikipag-usap na ito sa pamunuan ng Big Dome at sa local government unit ng Quezon City para sa resumption ng liga.   […]