Warriors nakaganti sa Game 2 ng NBA Finals matapos ilampaso ang Boston Celtics, 107-88
- Published on June 7, 2022
- by @peoplesbalita
NAKAGANTI ngayon ang Golden State Warriors sa Game 2 ng NBA Finals matapos ilampaso ang Boston Celtics, 107-88.
Dahil dito tabla na ang serye sa tig-isang panalo.
Sa pagkakataong ito hindi na nagpabaya pa ang Warriors kung saan mula sa first quarter hanggang sa 4th quarter ay hindi na binitawan pa ang kalamangan.
Lalong ibinaon ng Warriors ang Boston sa malaking abanse sa big run pagsapit ng third quarter kung saan umabot pa sa 23 puntos ang kanilang kalamangan.
Muli na namang bumida si Stephen Curry na may kabuuang 29 points kasama na ang limang three point shots at katuwang si Jordan Poole na may 17 points mula sa bench.
Malaking tulong din sa panalo ng Golden State ang 12 points mula kina Kevon Looney na perfect sa 6-for-6 sa shooting, at may ambag na tig-11 points sina Andrew Wiggins at Klay Thompson.
Sa kampo ng Celtics nagtala naman si Jason Tatum ng 28 points kabilang ang anim na three pointers habang inalat ang iba pang teammates lalo na si Al Horford na nagpakita lamang ng two points bunsod ng matinding depensa na inilatag ng Warriors.
Ang isa pang Celtics star na si Jaylen Brown bagama’t may 17 puntos, marami namang kinapos itong tira na nagtala lamang ng 5-for-17 sa shooting.
Samantala, ang Game 3 ay tutungo na sa teritoryo ng Boston sa Huwebes.
-
Catantan dinale bronze, All-America awardee pa
NAGTULOS ng 20-1 win-loss record si Samantha Kyle Catantan ng Pilipinas para makopo ang women’s foil bronze medal at maging isa sa siyam na ginawaran All-American selection sa wakas nitong Lunes ng 2021 United States National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Bryce Jordan Center sa University Park, Pennsylvania. Pinagtatagpas ng 19 na taong-gulang, […]
-
PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco
PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, at San Miguel Corporation (SMC) President Ramon Ang, ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para mabawasan ang polusyon sa Navotas River sa pamamagitan ng Adopt-a-River Program. (Richard Mesa)
-
US, nangako ng mahigit na ₱430M funding para sa PH maritime law enforcement agencies
INANUNSYO ng Estados Unidos na tutulong ito para palakasin ang kakayahan ng Philippine maritime law enforcement agencies sa pamamagitan ng pagbibigay ng $7.5 million, o mahigit ₱430 milyong halaga ng karagdagang tulong. Inihayag ito ng White House sa kahalintulad na araw ng pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan, ang lalawigan […]