• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Waste of time kung sasagutin… KIM, ‘di mahilig pumatol sa isyung binabato sa kanya

KUNG meron mang aktres na dapat tularan ng mga celebrities na mahilig magpapatol sa mga isyu sa kanila ay kakaiba ang Kapamilya aktres Kim Chiu.

 

 

 

Hindi si Kim ang tipong papatol sa mga isyu na ibinabato sa kanya online, huh!

 

 

 

Kung merong mga celebrity na konting banggit lang ng pangalan nila ay agad may sagot sa isyu, ibahin natin ang isang Kim Chiu.

 

 

Sabi pa nga ni Kim sa isang interview sa kanya na hindi raw niya ugaling sumagot agad sa mga isyu.

 

 

“I’m not a fan of answering someone online. It will just light the fire. Parang pini-feed mo ‘yung snake for you to bite. Mas maganda na huwag mo siya pansinin. Just go on with your truth.

 

 

“Nakaka-waste of time na dapat i-enjoy mo ‘yung what’s happening to you, kaysa ‘yung idi-deal mo ‘yung mga false stories, mga bashers, mga doubters.

 

 

“Hindi mo tuloy ma-enjoy ‘yung magandang life in front of you if you keep on looking back.” sey pa ng magaling na kapuso aktres.

 

 

Dagdag pa ni Kim sa naturang interview na nasa kanya ang kalayaang pumatol o deadma na lang sa naturang mga intriga, huh!

 

 

“I have my freedom on what to share and what not to share. Just go to my Instagram, you’ll know what’s happening. Anong show ko, anong ginagawa ko,” lahad pa rin ng aktres.

 

 

Dagdag pa ni Kim na hindi niya pinapansin ang mga sasabihin ng iba, alam naman daw niyang inaabangan ng iba ang sasabihin niya na maaring mas lumikha ng mas matindi pang apoy.

 

 

Lalong napupuri si Kim sa attitude niyang pangdededma sa mga basher, doubter at iba pa, huh!

 

 

Mas inaabala niya ang sarili para mas maging healthy at confident.

 

 

Binanggit pa rin ni Kim na alam niya ang boundary ng mga dapat i-share at hindi.

 

 

Kaya raw naman parating grateful si Kim.

 

 

“The most important thing is to be grateful.

 

 

“You’re not always on top. At a certain point, mukhang wala ka rin dyan. Be grateful all the time and just enjoy what you have right now. Kasi hindi naman ‘yan forever,” banggit pa rin ng Cebuanang aktres.

 

 

***

 

 

SA programang “Fast Talk with Boy Abunda ay ipinahayag ni Nadia Montenegro na kinilala naman daw ng aktor na si Baron Geisler ang kanilang anak.

 

 

May mga pagkakataon lang daw na hindi umano matanggap ng aktres ang mga mga oras na kung saan lasing ang aktor na kinakausap ang anak nilang si Sophia sa telepono.

 

 

“They were always in contact, from social media but never like hide, walang gano’n. It was just, I’m okay.

 

 

“Pero, huwag nating kalimutan na, bakit ba tumagal nang ganito. Unlimited chances from someone to change. Give me a reason na ipaharap kita sa kanya, nang sober ka. No, the drunk text messages to my daughter, you think that would help her?

 

 

“You came out to an interview all of a sudden without even asking us? Even if you didn’t mention my name, sa tingin mo hindi kami nabulabog? Did you even think for a while, what would happen to your daughter? “ sunod sunod pang balik tanong Nadia sa host ng show na si kuya Boy.

 

 

Ayon pa rin kay Nadia ay open secret naman daw ang isyu sa kanila ni Baron.

 

 

Matatandaang nagbigay ng pahayag si Baron sa tungkol dito.

 

 

Naibahagi ng aktor sa publiko noon ang tungkol sa kanyang pakitutungo sa panganay na anak.

 

 

“Dahil may inamin siya sa interview then pinick-up na naman ng masasamang elemento. So ayun, (naapektuhan sa) school, friends, she was bullied. Someone all of a sudden just posted on student council page a picture of Baron in jail, ‘Kaninong tatay ‘to?’“ kailangan ko pa bang ikwento? Kung anong pinagdaanan namin just to keep our peace?

 

 

“This is my life. This is my children’s lives. This is my story, No one has the right to tell my story. I’ve always on my mistakes, But let me say kung ano ang pagkakamali ko, hindi ikaw.

 

 

“Hindi ko kailangan ng spokesperson. I’ve always faced my battle, I’ve always fought them head on. Why, because I pray. I do things not because I wanna hurt people. I do things now because I want people to learn from my mistakes. “Hindi ko kinakalat ito para mag-entertain, or para pagpiyestahan ninyo ang buhay ko o buhay ng anak ko. I want this to end because my daughter is turning 18 soon.

 

 

“And she does not need to come out to this world and answer questions for her mother. So, I’m putting an end to this now,

 

 

“So, I’m happy. I have a child named Sophia and she does not need anything else in this world because she’s complete,” mahabang litaniya pa ni Nadia Montenegro.

Other News
  • Operators ng tanker na lumubog, kinasuhan ng administratibo

    NAGSAMPA ng kasong administratibo ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa operators ng dalawang tankers na lumubog sa baybayin ng Bataan noong Hulyo.     Sinabi ng PCG na ang nasabing reklamo ay inihain laban sa operators ng MV Mirola 1 at MTKR Jason Bradley dahil sa hindi pagtupad sa deklarasyon ng Master ng pag-alis […]

  • #SimRegistration No. 1 trending habang kaliwa’t kanan pagpalya sa unang araw

    NUMERO unong nag-trend sa social networking site na Twitter ang #SimRegistration sa unang araw ng pagpaparehistro ng mga subscriber identity module (SIM) card dahil sa bagong batas — kaso, reklamo ang tatambad sa’yo oras na i-check ang hashtag.     Simula Dec 27, meron na lang 180 araw ang mga mobile users para irehistro ang […]

  • Infotainment show na ‘Amazing Earth’, four years na: DINGDONG, maraming natutunan at enjoy sina ZIA at SIXTO sa panonood

    MAGKASUNOD na magsi-celebrate ng kani-kanilang anniversary this Sunday, July 10, ang infotainment show na “Amazing Earth” hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanilang 4th year anniversary at ang fun-filled adventure series na “Daig Kayo ng Lola Ko,” sa kanila namang 5th anniversary celebration.     Unang mapapanood ang “Amazing Earth” na sabi nga ni Dingdong, […]