• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Weeklong ECQ sa ‘NCR Plus’

Tiniyak ng pamunuan ng National Task Force Against Covid-19 (Coronavirus Disease 2019) na magiging “compassionate” ang mga otoridad sa pagpapatupad ng curfew sa weeklong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR (National Capital Region) Plus Bubble na magsisimula ngayon, March 29, hanggang sa Easter Sunday, April 4.

 

 

Ayon kay National Task Force Against Covid-19 spokesperson ret. M/Gen. Restituto Padilla, bibigyan ng konsiderasyon ang mga indibidwal na pauwi sa kanilang mga bahay subalit mayroon itong “window period” mula alas-7:30 hanggang alas-8:00 ng gabi.

 

 

Kung lalagpas na ang mga ito ay maghihigpit na ang mga tauhan ng PNP (Philippine National Police) na siyang nagmamando ng mga checkpoint.

 

 

Ang NCR Plus Bubble ay binubuo ng NCR, Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal, na isinailalim sa ECQ para pigilan ang patuloy na pagtaas ng COVID cases.

 

 

Dagdag ni Padilla, ang mga 17-anyos pababa at lagpas 65-anyos ay hindi maaaring lumabas sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.

 

 

Habang ang mga essential workers naman ay dapat ipakita ang kanilang company ID at hindi na kailangan pa ng travel pass.

 

 

Giit ni Padilla, ang local government ay magpapatupad ng curfew batay sa kanilang local ordinances. (Daris Jose)

Other News
  • WATCH THE TRAILER OF “65,” NEW EPIC ADVENTURE FROM “A QUIET PLACE” WRITERS

    FROM the writers of A Quiet Place and producer Sam Raimi, comes the epic action thriller 65, starring Adam Driver. Check out the official trailer below and watch the film exclusively in cinemas across the Philippines in 2023.      YouTube: https://youtu.be/9QYMLZtmY0k     About 65     After a catastrophic crash on an unknown planet, pilot Mills (Adam Driver) quickly discovers he’s […]

  • Palasyo ng Malacañang, bukas na sa publiko

    BINUKSAN  na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko ang Malacañang na anya’y hindi niya bahay kundi ng mga mamamayan.     Sa talumpati ni Marcos sa isinagawang pamimigay ng regalo sa Rizal Park, Maynila, muling ­inanyayahan ni Marcos ang publiko na bisitahin ang Malacañang at lahat ay maaaring pumasok.     “Welcome kayong lahat. […]

  • Malakanyang, hindi inaalis ang posibilidad na isailalim ang MM sa MGCQ sa Nobyembre

    HINDI inaalis ng Malakanyang ang posibilidad na isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila sa darating na Nobyembre.   “It is not an impossibility dahil talaga naman po napababa natin [ang COVID-19 cases] pero nasa kababayan pa rin natin ‘yan sa Metro Manila,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque   Aniya, […]