• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wembanyama binuhat ang Spurs

NAGKUWINTAS si Victor Wembanyama ng 34 points at 14 rebounds habang tumipa si Chris Paul ng 12 points at 11 rebounds para akayin ang Spurs sa 116-96 paggiba sa Sacramento Kings.

 

 

Tinapos ng San Antonio (5-6) ang kanilang apat na sunod na kabiguan sa Sacramento (6-5).

 

Nagdagdag si Harrison Barnes ng 10 points para sa Spurs matapos ibigay ng Kings sa offseason.

 

 

Binanderahan ni De’Aron Fox ang Sacramento sa kanyang 24 points at nagposte si Domantas Sabonis ng 23 markers at 12 rebounds habang may 21 points si DeMar DeRozan.

 

 

Sa Chicago, kumamada si Donovan Mitchell ng season-high 36 points at inagaw ng Cleveland Ca­valiers ang 119-113 panalo kontra sa Bulls (4-7) para maging pang-walong NBA team na nagtala ng 12-0 season start.

 

Sa Oklahoma City, nagpasabog si Shai Gilgeous-Alexander ng career-high 45 points sa 134-128 pa­nalo ng Thunder (9-2) sa Los Angeles Clippers (6-5).

 

 

Sa Houston, kumolekta si Alperen Sengun ng 27 points at 17 rebounds para banderahan ang Rockets (7-4) sa 107-92 pagpapatumba sa Washington Wizards (2-7).

 

 

Sa New Orleans, iniskor ni Cam Thomas ang 10 sa kanyang 17 points sa fourth quarter sa 107-105 paglusot ng Brooklyn Nets (5-6) sa Pelicans (3-8).

Other News
  • PIA, inaming muntik nang magpabawas ng ‘boobs’ buti na lang ‘di tinuloy

    SINAGOT ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang IG stories ang tanong kung engaged na sila ng boyfriend na si Jeremy Jauncey na kung saan pinagpiyestahan ang kanilang photos sa Maldives.   Post ni Pia, “False, ito talaga unang tanong hahaha.  If it was true trust me you’d know haha.   “Btw am I […]

  • Badyet sa bubble inaaral – Marcial

    PAG-UUKULAN nang malaking halaga ang ligtas na kukuning bubble venue ng Philippine Basketball Association (PBA) kapag muling binuksan ang 45th Philippine Cup 2020 sa papasok na buwan.   May limang hotel ang kinukunsiderang bubble ng propesyonal na liga ang nagbigay ng presentasyon kay Commissioner ilfrido ‘Willie’ Marcial.   “Iko-consider namin lahat ng proposals, then saka kami gagawa […]

  • COVID-19 cases sa NCR, tumaas – OCTA

    NAKAPAGTALA ang OCTA Research Group ng 7 porsyentong pagtaas sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang mga nakalipas na paalala na maaaring magkaroon ng panibagong surge sa bansa na idudulot ng mga sub-variants ng Omicron.     Sa kanyang Twitter post, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na nakapagtala ng […]