White sumungkit ng 12 medals sa Thailand
- Published on March 6, 2025
- by Peoples Balita
HUMAKOT ng 12 medalya si Filipino-British Hannah White kabilang na ang pagbasag sa tatlong rekord sa swimming competition ng 2025 Fobisia Games na ginanap sa Pattana Sports Resort sa Chonburi, Thailand.
Nagparamdam ng lakas ang pambato ng ABC International School (ABCIS) na si White sa girls’ 50m butterfly kung saan naitala nito ang bagong rekord na 30.81 segundo.
Muling bumasag ng rekord si White sa 100m Individual Medley nang ilista nito ang 1:12.09 habang bahagi rin ito ng ABCIS team na nagsumite ng bagong marka na 58.80 segundo sa girls’ 4x25m freestyle relay.
Nagkaroon pa ng extra gintong medalya si White dahil binigyan ng parangal ang lahat ng mga nakapagtala ng bagong rekord sa swimming event.
Maliban sa tatlong ginto, may isang pilak pa itong nakuha sa medley relay.
Hindi lamang sa swimming sumabak si White dahil nasilayan din sa aksyon ang multi-talented athletes sa athletics, basketball at football events.
Sa athletics, humataw din ng gintong medalya si White sa girls’ 1,500m run habang may isang pilak ito sa girls’ 800m run at dalawang tanso naman sa girls’ high jump at girls’ 4x100m relay.
Bahagi si White ng girls team na nagkampeon sa basketball event habang nagkasya lamang sa ikalimang puwesto ang kanilang tropa sa football competition
“We would like to thank team captain Hannah White for leading by example and all he ABCIS squad for their hard work and dedication. They showed that if you prepare correctly and are willing to put time in them, anything is possible,” ani Smith.
Nagpasalamat din si White sa mga coaches nito kabilang na kay basketball coach Rob Jessop na nagmamay-ari ng Gators Athletic Perfomance Basketball sa Vietnam.
“It’s been such a long three days of competition as Hannah has to do four different sports like athletics, swimming, basketball and football. Hannah broke three Fobisia Games records in swimming. Thank you Hannah for bringing the very best. We are extremely proud of you,” ani Jenny White ang proud mother ni Hannah.
Si Hannah ay isa lamang sa tatlong White siblings na swimmers.
Naging bahagi ng national junior swimming team ang nakatatanda nitong kapatid na sina Heather at Ruben na kasalukuyang nag-aaral sa Amerika at Great Britain, ayon sa pagkakasunod.
-
Pag-aalis ng travel authority, quarantine requirements idinepensa ng DILG
Idinepensa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang desisyong alisin na ang ilang requirements at paluwagin ang ilang health protocols ng mga biyahero, kahit pa nananatili pa rin ang banta ng COVID-19. Kasunod ito nang pagbatikos ni Vice Pres. Leni Robredo sa pagtatanggal ng quarantine at testing protocols, dahil maaari […]
-
Paglipat sa SMB ni Perez 6 katao kapalit – aprub
INAPRUBAHAN na nitong Martes ni Philippine Basketball Association Commissioner Wilfrido Marcial ang trade ng San Miguel Beer at Terrafirma ilang paghahanda ng dalawang koponan sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9. Opisyal ng kasaping Beermen si Christian Jaymar Perez, top pick ng Dyip noong 2018, naging 2019 Rookie of […]
-
Naomi Osaka handa ng sumabak sa US Open
MATAPOS ang hindi pagsali sa US Open noong nakaraang taon dahil sa panganganak ay muling nagbabalik ngayong taon si dating world number 1 tennis player na si Naomi Osaka. Bilang endorser ng isang sports brand ay suot nito ang signature na kaniyang sapatos. Magsisimula ang laban nito sa Agosto 28 laban kay number 10 seed […]