• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WHO, kinilala ang magandang vaccination rollout ng Taguig City

Kinilala ng World Health Organization (WHO) ang lungsod ng Taguig dahil sa kasanayan nila sa vaccination rollout.

 

 

Nakapagbakuna kasi ang Taguig City ng 4,000 katao sa loob ng isang araw.

 

 

Ayon kay WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, na naging detalyado sa pagpaplano at execution ang city government ng Taguig sa pagpapabakuna ng kanilang mga mamamayan.

 

 

Pinuri rin ang pagsasagawa ng Taguig ng mga training center kung saan sumailalim ang mga medical experts at practitioners ng seminars sa tamang paghawak nga mga COVID-19 vaccines.

 

 

Plano naman ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na gawing 5,000 sa kada araw ang mabababakunahan nila sa mga susunod na linggo.

 

 

Sa kasalukuyan kasi ay aabot sa halos 50,000 katao na ang kanilang naturukan ng bakuna.

 

 

Hinikayat naman ni Abeyasinghe ang mga Local Government Unit na gayahin ang ginagawang vaccination rollout ng Taguig. (Gene Adsuara)

Other News
  • Patuloy na naire- record na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa, dapat tingan sa positibong perspektibo – WHO

    NANINIWALA ang World Health Organization na hindi dapat na ikahina ng kalooban ang patuloy na naiuulat na pagdami ng kaso ng COVID sa bansa.   Sinabi ni Presidential spokesperson  Harry Roque na ito ang inihayag ni WHO representative to the Philippines Dr Rabindra Abeyasinghe gayung indikasyon aniya ito sa pagtaas ng actual COVID testing na […]

  • COVAX scheme humiling ng $5.2-B na pondo para mabigyan ng COVID-19 vaccines ang mga mahihirap na bansa

    HUMILING ang COVAX scheme ng karagdagang $5.2-B na pondo para mabigyan ng COVID-19 vaccines ang mga mahihirap na bansa.     Sinabi ni Gavi vaccine alliance chief Seth Berkley na ito ang kailangan nilang pondo para mabigyan ng bakuna ang mga mahihirap na bansa sa susunod na tatlong buwan.     Naabot kasi ng Covax […]

  • Sanib-puwersa kasama si Vilma sa ‘Uninvited’

    SI Vilma Santos sana ang makakasama ni Judy Ann Santos sa entry ng Quantum Films sa 50th Metro Manila Film Festival.   Nag-back out lang ang Star for All Seasons, at pinalitan siya ni Lorna Tolentino.   Ang pelikulang ‘Espantaho’ na first time sanang magsama sa movie ang dalawang tinitingalang Santos, directed by Direk Chito […]