• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WHO nagsagawa ng emergency meeting dahil sa mga bagong variants ng COVID-19

Nagsagawa ng emergency meeting ang World Health Organization (WHO) para talakayin ang banta nang mabilis na pagkalat ng mga bagong variants ng coronavirus.

 

Ito ay matapos na napilitang magpatupad ng panibagong mga restrictions ang iba’t ibang bansa na nakakaranas nang pagsirit ng COVID-19 cases bunsod nang mutation ng virus.

 

Kadalasan kada tatlong buwan kung magkita-kita ang miyembro ng komite, pero minabuti ng WHO na magpulong sa lalong madaling panahon para talakayin ang mutation ng virus, na sinasabing mas nakakahawa.

 

Sa kanyang talum pati, sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus, pag-uusapan nila ang mga lumutang na bagong variants ng coronavirus at ang banta nito, pati na rin ang potential use ng mga bakuna kontra rito at testing certificates para sa international travel.

 

Ito na ang ika-anim na pulong ng WHO International Health Regulations emergency committee patungkol sa COVID-19.

Other News
  • Mahigit P11M halaga ng tulong, naipamahagi na sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

    NAIPAMAHAGI  na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit sa  P11 milyong halaga ng  tulong sa mga pamilya na labis na naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao, araw ng Biyernes.     Sa katunayan, tinatayang may 1,1015 benepisaryo ang nakatanggap ng  food packs sa munisipalidad ng […]

  • Lalong maghihigpit ang PBA

    Binalaan ng PBA ang sinumang lalabag sa health protocols na ipatutupad sa kanya-kanyang training at scrimmages ng mga PBA teams.     Nakaabang ang mabigat na parusa kabilang na ang P100,000 multa at 10 araw na suspensiyon sa mga violators.     Naglatag ng matinding parusa ang PBA upang masiguro na susunod ang lahat sa […]

  • Pangangampanya sa Holy Thursday, Good Friday bawal – PNP

    PINAGBABAWAL ang pangangampanya sa April 14, Holy Thursday at April 15, Good Friday.     Ito  ang paalala ni Philippine National Police  chief General Dionardo Carlos sa lahat ng mga kandidato ngayong eleksyon.     Ayon kay Carlos ito ay batay sa calendar of activities na ipinasa ng Commission on Elections (COMELEC) at pagbibigay respeto […]