• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Willing na maghintay kahit gaano katagal: RAYVER, inamin na rin na ‘mahal’ niya at inspirasyon si JULIE ANNE

NAKABALIK na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards early morning of Tuesday, May 17, matapos niyang mag-attend ng red-carpet premiere showing ng favorite series niya sa Netflix ang “Stranger Things” na Season 4 na, last Saturday, May 14, in Brooklyn, New York.

 

 

Nag-post agad si Alden sa kanyang Twitter ng, “When a dream turns into reality. #StrangerThings #StrangerThings4.”

 

 

Nag-post din si Daddy Bae ng photo ni Alden habang in-interview sa after party ng premiere night, wearing a Christian Dior Homme CD Blue Buckle Belted Blazer na hindi na naming isusulat kung magkano ang price.

 

 

Today, Wednesday, May 18, ay magpapa-swab test na si Alden in preparation para sa lock-in taping nila ng Start-Up with Bea Alonzo, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi and Ms. Gina Alajar na excited nang muling makatrabaho si Alden.

 

 

Gagampanan ni Gina ang role ng mabait na lola na mag-aalaga kay ‘Good Boy’ na si Tristan Hernandez (Alden). Ayon kay Gina, matagal na niyang gustong mag-artista muli at makaganap naman ng isang mabait na role. Kaya challenge daw sa kanya si Lola Joy, dahil mabait nga ang kanyang character.

 

 

Halos lahat daw kasi ng nagawa niyang movies o series ay mataray ang character niya, tulad ng huli, ang Nagbabagang Luha.

 

 

Ang Start-Up ay idinidirek nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata.

 

 

***

 

 

PAREHONG mula sa ABS-CBN sina Ariel Rivera at Beauty Gonzalez, pero first time lamang nilang magtatambal sa The Fake Life ngayong isa nang Kapuso si Beauty at muling nagbabalik si Ariel sa GMA Networks. Makakasama rin nila sa seye si Sid Lucero.

 

 

Inamin ni Beauty na madalas siyang kabado kapag kaeksena ang dalawang mahuhusay na actor. Kaya sinisiguro raw niyang prepared siya sa mga eksena nila para hindi siya mapahiya sa kanila.

 

 

Nasa second leg na ang lock-in taping nila ng The Fake Life, kaya medyo naging emosyonal si Beauty nang magpaalam siya sa anak na si Olivia. Mami-miss daw niya ang anak dahil lagi silang magkasama nito.

 

 

Kasama rin sa cast sina Kristoffer Martin, ang muling magtatambal na sina Bea Binene at Jake Vargas, Will Ashley, Rina Reyes at marami pang iba.

 

 

Papalitan ng The Fake Life ang GMA Afternoon Prime na Artikulo 247 nina Rhian Ramos, Mark Herras, Benjamin Alves at Kris Bernal, na nasa last three weeks na at napapanood after Raising Mamay.

 

 

***

 

 

MUKHANG totohanan na ang relasyon ng mga Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

 

 

Isang Instagram post ang inilabas ni Rayver noong birthday celebration ni Julie na nagpapasalamat siya kay Julie for “everything.”

 

 

“Gusto ko lang sabihin how much I appreciate you, Juls,” sabi ni Rayver.

 

 

“You are such a “blessing to me and everyone.”

 

 

Isa raw inspirasyon sa kanya si Julie, “Gusto ko lang sabihin is nandirito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal. Kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at Tita, palagi lang akong nandito. Mahal kita, Happy Birthday.”

 

 

Muling mapapanood ang Limitless: A Musical Trilogy, Part 2: Heal this Sunday, May 22, at 2:00PM, after All-Out Sundays sa GMA-7.

 

 

Si Rayver ang special guest dito ni Julie.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Pagdating sa bansa ng bakuna laban sa Covid-19 ngayong buwan, V-day gift para sa mga Filipino- Sec. Roque

    ITINUTURING ng Malakanyang na Valentine’s gift sa mga mamamayang Filipino ang inaasahang pagdating ng bakuna laban sa Covid -19 sa bansa at pagsisimula na maiturok ito sa mga itinuturing na frontliners.   Kasama sa numero unong prayoridad ang mga nagtratrabaho sa mga pampubliko at pribadong health facilities, ospital, contact tracers ng mga local government units […]

  • Slaughter gusto nang bumalik sa basketbol

    SABIK nang bumalik sa paglalaro si Philippine Basketball Association (PBA) star Gregory William ‘Greg’ Slaughter ng dating Barangay Ginebra San Miguel.   Sa Twitter pinarating ng 32-year-old, 7-foot center ng former Gin King, nitong isang araw lang dahil sa panonood ng laro ng Gilas Pilipinas sa 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup qualifier window […]

  • “No vaccine, no ride” policy suportado ng DOTr

    Binigyang suporta ng Department of Transportation (DOTr) ang polisia na pinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bawal ang mga unvaccinated na individuals ang lumabas ng kanilang tahanan.     Kung kaya’t bilang pagsuporta ng DOTr, hindi rin puwedeng sumakay ang mga pasaherong wala pang bakuna.     “The DOTr and its attached agencies […]