WINWYN, hindi pa rin makapaniwalang nakapasok ang ‘Nelia’ sa MMFF; napapanahon ang kuwento at maraming makaka-relate
- Published on November 24, 2021
- by @peoplesbalita
MASAYA ang bagong producers na sina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Melanie Quino dahil napili ang Nelia, ang unang venture nila as film producers bilang entry sa 2021 Metro Manila Film Festival.
Bida sa movie si Winwyn Marquez, Raymond Bagatsing at Ali Forbes. Tampok din sa Nelia sina Mon Confiado, Lloyd Samartino, Shido Roxas, Dexter Doria at Dan Alvaro
“Nakatutuwa na napagbigyan ang pelikulang ‘Nelia’ dahil napapanahon ang kwento nito dahil tiyak na makaka-relate dito ang mga health workers,” wika ni Atty. Aldwin nang makausap namin sa announcement ng MMFF entries na ginawa sa Novotel sa Quezon City.
Ginagampan ni Winwyn ang role ng isang medical worker. Tiyak na marami raw ang makaka-relate sa role niya, especially those who suffered stress sa kanilang trabaho.
Reaction naman ni Winwyn nang makapasok sa MMFF ang Nelia, “I was watching from FB Live nung announcement and kinakabahan ako kasi syempre mga unang movies na binanggit napakalaking mga artista at pinaghandaan na mga pelikula din.
“Hindi ako masyado nag–expect pero I was hoping pa rin nung biglang binanggit yung synopsis napa–record ako bigla kasi ‘di ako makapaniwala, mixed emotions talaga.
“Kabado, tuwa, at takot pero sobrang grateful na napili ang ‘Nelia’ dahil alam ko buong cast and production binigay lahat nung ginagawa ang film.
“Tinawagan ko agad dad ko para balitaan siya.”
Ayon kay Atty. Aldwin, dapat sana ay may gagawa lang sila ng short film para sa DepEd pero dahil nagsara ang DepEd dahil sa pandemic, naisipan nila na gumawa ng isang full-length film sa tulong ng director nilang si Lester Dimaranan.
“Open naman ang iba’t-ibang online platforms para maipalabas namin ang movie pero siyempre masaya kami dahil napili ang Nelia as official entry sa festival,” wika pa ng baguhang producer.
Flattered sina Atty. Alwdin dahil kahit na mabibigat ang ibang entries ay nabigyan ng slot ang maliit nilang pelikula.
Introducing sa Nelia sina Juan Carlos Galano at Aldwin Alegre. This is directed by Lester Dimaranan under A and Q Productions.
Naging masaya naman daw ang shoot nila kahit under the pandemic dahil nagkaroon ng bonding ang cast while filming kahit na medyo nahirapan sila dahil may mga safety protocols na dapat sundin during the lock-in shoot.
Sinabi pa ni Atty. Aldwin na excited sila sa pagsali nila sa festival.
***
MATAGAL nang pangarap ni Direk Joven Tan na makapagdirek ng isang musical kung saan makikita ang struggles of a person, kung paano niya ito nilabanan at nakamit ang kanyang pangarap.
“Ang life story ni Isko Moreno ay perfect material for it. Hindi madaling gawin ang movie dahil sa pandemic. Maraming restrictiosn pero natapos namin ang movie and I am thankful for that fact.”
Ang importanteng chapter sa buhay ni Isko ay highlighted sa movie. Ang pagiging boy garbage collector niya ay ginampanan ni Raikko Mateo. Ang high school life niya at That’s Entertainment days ay si McCoy de Leon naman ang gumanap. Ang pagiging public servant niya ay ginampanan ni Xian Lim.
“May idea na tayo sa buhay ni Isko, kung paano siya nagsimula and all. Pero ‘yung pagiging dreamer, hardworker at survivor ang nasa movie, Mas lalo natin makikilala si Isko. May mga pagkakataon na nadapa pero hindi siya sumuko kundi mas nagsumikap para maayos ang buhay niya,” kwento ni Direk Joven.
May 15 original songs sa movie at tawag ni Direk Joven sa mga ito ay songs of hope.
“Masaya man o malungkot ang kanta, gusto kong sabihin sa viewers na laging may pag-asa.”
Para kay Direk Joven, very inspiring ang buhay ni Isko Moreno.
“We are the captain of our ship. We are the drivers of our lives. We have the choice to make or break our lives. Kung susuko tayo, hindi natin makukuha ang pangarap natin… kung tataasan natin ang pangarap natin, maabot man natin kahit kalahati noon, mataas pa rin. Libre ang mangarap, sabayan lang natin ng pagsisikap at pagdadasal.”
(RICKY CALDERON)
-
Stephen King’s Praise for ‘Terrifier 2’ Receives Response from Director Damien Leone
Terrifier 2 director Damien Leone responds to Stephen King’s high praise for the bloody horror sequel. Leone’s latest installment in his Terrifier franchise released in select theaters on October 6. David Howard Thornton returns as Art the Clown, starring alongside Lauren LaVera, Elliott Fullam, Sarah Voigt, Kailey Hyman, and Samantha Scaffidi, who is also reprising her role of Vicky […]
-
KIM, iniyakan na ‘di natuloy sa lock-in taping kasama sina JENNYLYN at XIAN dahil biglang nag-positive sa COVID-19
INIYAKAN ni Kapuso actress Kim Domingo na hindi siya natuloy makasama sa lock-in taping ng bago sana niyang teleserye na Love, Die. Repeat. na unang pagtatambalan nina Jennylyn Mercado at new Kapuso actor na si Xian Lim. Ibinahagi ni Kim ang dahilan ng hindi niya pagkatuloy sa kanyang Instagram. “Nagpositibo ako sa COVID-19. Hindi […]
-
3 sugatan sa saksak at bala sa Malabon
Tatlong katao kabilang ang 16-anyos na binatilyo ang sugatan matapos ang magkahiwalay na insidente ng pananaksak at pamamaril sa Malabon city. Sa imbestigasyon, dakong 11:30 ng gabi, nasa loob ng computer shop ang biktimang itinago sa pangalang “Randy” at ang suspek na menor-de-edad din sa 8th St., Block 4 Lot 11, Brgy. Tanong nang […]