• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wish niya na maka-duet si Sampaguita: ICE, inaming ngalngal kabayo sa kanta ng BINI at SB19

MAY pa-sneak peek nga ang OPM Icon na si Ice Seguerra para sa pinaghahandaan nila para tinawag nilang ULTIMATE VIDEOKE EXPERIENCE OF THE YEAR!

 

Para ito sa repeat ng ‘Videoke Hits OPM Edition’ sa Nov. 8 titled ‘Ice Seguerra Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa!’ sa Music Museum (8 pm). Produced ito ng Fire and Ice Entertainment.

 

Ayon pa kay Ice, “Mula sa song choices hanggang sa mismong experience, sinigurado kong damang-dama niyo bawat kanta.”

 

At ang isa sa favorite songs niya na naka-line-up sa concert ay ang ’Anak’ ni Freddie Aguilar, na kanyang pinasilip ang areglo. Say pa niya ang lakas daw ng impact nito sa kanya at may kakaibang dating, kahit mabait siyang anak. Pero tiyak na mas marami ang tatamaan sa version niya lalo na ‘yun mga anak na naligaw ng landas.

 

Magiging guests sa concert sina Angel (Drag Race PH Season 3 finalist), Louise (artist ng Fire and Ice) at Ebe Dancel.

 

Kung may wish naman siya na sana’y manood at maka-duet…

 

“Actually ang wish ko, nag-message at kinausap ko na siya, pero parang hindi talaga siya uubra, si Sampaguita.

 

“Idol na idol ko kasi siya. I’m a fan of the others, pero pwede ko silang makasama sa ibang shows, pero si Sampaguita parang iba yun, I’m a big fan.”

 

Napabilib naman si Ice sa version ni Noel Cabangon ng hit song niya na ‘Anong Nangyari Sa Ating Dalawa’, na wish niya na mai-record din nito.

 

Aminado rin si Ice na mas nahirapan siyang mamili para sa list of songs para sa concert. Umabot raw sa 400 OPM songs ang pinagpilian, kaya ang maraming medleys sa concert. Na kung bibilangin ang mga title ng songs ay aabot ng more than 40 songs.

 

Kuwento pa niya, “dito sa show na ’to, masasabi kong nahirapan ako kasi ngalngal-kabayo na ako, dahil napagod talaga ako sa ’Salamin, Salamin’ ng BINI.

 

“Kasi medley siya kasama ng ‘Gento’ ng SB19. So, kinarir ko ng super-duper ang ‘Gento’. Kaya pagdating ng ’Salamin, Salamin’, hindi ko na-anticipate ‘yung pagod. Buti na lang may back-up dancers at vocalists, dahil ngalngal-kabayo talaga ako, hindi ko na makanta nang maayos.”

 

At dahil super successful ang ‘Videoke Hits’ series, wala raw silang balak na gawin ito sa bigger venues.

 

“We are always open to that idea, pero parang ayokong mawala yun magic ng intimacy niya. Kasi feeling ko, kaya game na game ang mga tao, dahil ang lapit lang namin sa isa’t-isa. Hindi na nga ako nakakarating sa balcony, hanggang orchestra lang.”

 

Dagdag pa niya, “nagsimula lang ito sa Facebook post na kakanta lang ng Videoke songs, tapos ire-rearrange ko tulad ng ‘My Way’, the way I sing.

 

“Pero ang ganda ng dinagdag ni Liza (Diño) na element na I-involve ang audience. For me, yun ang naging magic ng show.”

 

After ng Manila leg, dapat abangan bansa tulad sa Australia, Singapore, Hong Kong at sa Middle East, dahil siguradong magugustuhan ng mga OFWs.

 

Kaya kung wala ka pang ticket, message ka lang sa 09177003262 or kuha na sa TicketWorld https://bit.ly/videokehitsOPMisapa

 

Samantala, mapapanood muli ang ‘Choosing: A Stage Play’ nina Ice at Liza, simula sa November 23 hanggang December 1 na gaganapin naman sa Doreen Blackbox Theater – Aretè (Ateneo De Manila University).

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Djokovic, nagpositibo sa coronavirus

    Nagpositibo sa coronavirus si tennis world number one Novak Djokovic.   Siya ang pinakahuling tennis player na nagpositibo sa nasabing virus kasunod nina Borna Coric, Grigor Dimitrov at Viktor Troicki.   Ang 33-anyos na si Djokovic ay siyang huling nakalaro ng kapwa Serbian player na si Troiki sa unang event ng Adria Tour competition sa […]

  • MYRTLE SARROSA, REMAINS SISTERS’ CELEBRITY AMBASSADOR

    2020 may be a hard year, but Myrtle Sarrosa and Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners are even tougher, as they continue to forge their bond stronger, with the actress signing up for the third time as the brand’s celebrity ambassador.   Myrtle was still a college student when she was first chosen by Megasoft Hygienic […]

  • Mga atletang sasabak sa Tokyo Olympics, SEA Games ipinapasama sa COVID-19 vaccination program

    Hinihimok ni House Deputy Speaker Mikee Romero ang pamahalaan na isama sa mga prayoridad sa COVID-19 vaccination program ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics at 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ang mungkahi na ito ni Romero ay nakapaloob sa inihain niyang House Resolution No. 1507, kung saan nananawagan […]