• March 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Worth it ang paghihintay ng limang taon: MARIAN, proud na nakagawa ng magandang serye na kayang panoorin ng mga anak

SIMULA sa unang araw ng Abril, mamarkahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kanyang inaabangang pagbabalik sa GMA Prime.

 

Sa ilalim ng pamumuno ng award-winning director na si Zig Dulay, ipinakita ng “My Guardian Alien” ang pinakahihintay na tandem at hindi maikakaila na chemistry nina Marian bilang Katherine at bankable leading man na si Gabby Concepcion bilang Carlos. Kasama si Raphael Landicho bilang si Doy, tutuklasin ng mga lead stars ang feel-good at mahiwagang kuwento ng pamilya Soriano.
Dadalhin sa out-of-this-world program sa ibang antas ng entertainment ni Max Collins bilang Venus, isang business partner ng Soriano at magiging mortal na kaaway ni Katherine.

 

Kukumpleto sa star-studded cast sina Gabby Eigenmann bilang Dr. Ceph, isang psychiatrist at mabait na kaibigan ni Carlos; Marissa Delgado bilang Nova, ang domineering na mother-in-law ni Katherine; Kiray Celis bilang Marites, ang madaldal ngunit maaasahang katulong ng mga Soriano; Josh Ford bilang Aries, isang walang pakialam na teenager na nagtatrabaho sa bukid ng pamilya Soriano; Caitlyn Stave bilang Halley, ang matalino at independiyenteng kapatid ni Venus; Christian Antolin bilang Sputnik, isang dating miyembro ng gang na naging tapat na tagapangalaga ng sakahan ni Soriano.

 

Nakatakdang muling patunayan ng Kapuso Primetime Queen ang kanyang walang kapantay na husay sa pag-arte sa family drama na ito na may halong sci-fi fantasy.

 

Inamin ni Marian nang ilatag sa kanya ng GMA ang naturang proyekto at agad niyang nagustuhan.

 

“Ito talaga yung napulsuhan ko at sabi ko ang ganda at gusto kong gawin kasa bago sa akin, sure akong mapapanood ng mga anak ko,” pahayag ng bagong Box-Office Queen.

 

“Kasi gusto kong gumawa ng isang serye na kayang panoorin ng mga anak ko at magiging proud ako. Ito na siguro ‘yun time o moment sa buhay ko na sa tuwing may gagawin ako, gusto kong maging proud ang mga anak ko.

 

“So, ito ‘yun ‘My Guardian Alien’. Sabi ko nga eh, parang worth it lahat ng paghihintay ng limang taon para gawin ko ‘to.”

 

Inamin naman ng actress/tv host na nangapa siya sa pagbabalik-serye.

 

“Noong una talaga na sumabak ako sa taping, nahirapan talaga ako. After five years nagbabalik ako sa soap, hindi ko alam ang anggulo ko, kung nasaan ang lightings.

 

“So, nangapa talaga ako. Even the lines kasi, parang medyo nahirapan ako mag-memorize. Pero dahil sa tulong ng mga tao sa paligid ko, naging madaling para sa akin ang trabaho ko.

 

“Tapos si Direk Zig, hindi talaga siya nagkukulang kung ano ang dapat kong acting sa soap na ito. Nag-usap kami ni direk bago magsimula ang lahat, sabi, medyo mahirap ito.

 

“Sabi ko sa GMA, bigyan nila ako ng soap na hindi ako masyadong mahihirapan, ayaw ko kasi na pag-uwi ko ng bahay, pagod na pagod ako.

 

“Kaya bukod sa maganda ang kuwento nito, sa sobrang dali, wala akong lines minsan, kasi nga alien ang role ko.

 

“So, naging madali para sa akin, at sabi ko nga, ito ‘yung mas nilu-look forward ko eh. ‘Yung makagawa ng magandang proyekto na mapapanood ng mga anak ko at magiging proud sila.

 

“And at the same time, proud akong sabihin na nakagawa uli ako ng isang pamilya dahil sa serye na ito. So, lahat nang ito ay blessings para sa akin.”

 

Ang “My Guardian Alien” ay umiikot sa kwento ng masaya, mapagmahal, at perpektong pamilya ni Katherine. Gayunpaman, mababaligtad ang kanilang mapayapang buhay kapag isang insidente ng pamamaril ang pumatay kay Katherine. Dahil dito ay gumuho ang mundo ng mag-amang Carlos at Doy.

 

Isang gabi sa libing, isang misteryosong pod ang aksidenteng nalaglag sa mundo.

 

Naglalaman ito ng isang alien, na biglang nag-anyong kawangis ng pumanaw na si Katherine.

 

Matatanggap kaya nina Carlos at Doy ang kakaibang babaeng ito na kamukhang-kamukha ng kanilang nawalang minamahal?

 

Ano ang misyon ng alien sa planeta? Paano siya nababagay sa mundo ng mga tao kung saan may pagmamahal at emosyon?

 

Ang programa ay ginawa ng award-winning na GMA Entertainment Group na pinamumunuan ni Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable; Pangalawang Pangulo para sa Drama Cheryl Ching-Sy; Assistant Vice President for Drama Helen Rose S. Sese; Program Manager Edlyn Tallada-Abuel; at Executive Producer na si Shielyn Atienza.

 

Ang creative team ng palabas ay binubuo ni Creative Director Aloy Adlawan; Content Development Consultant Ricky Lee; Creative Consultant Agnes Uligan; Head Writer Anna Aleta Nadela; at mga Manunulat na sina Onay Sales-Camero at Geng de los Reyes-Delgado.

 

Nakatakdang maantig ng “My Guardian Alien” ang puso ng mga manonood simula sa ika-isa ng Abril, tuwing gabi sa ganap na 8:50 p.m. sa GMA Prime. May delayed telecast din ang programa sa GTV sa ganap na 10:50 p.m.

 

Mapapanood din ng Global Pinoy ang programa sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV. Para sa higit pang mga kuwento tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang www.GMANetwork.com.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Sabete bumalik sa PSL, Sta. Lucia Lady Realtors

    BALIK sa Sta. Lucia makalipas ang tatlong taon si Jonah Sabete, habang kinuha rin ng koponan ang serbisyo ng mga beteranang sina Maricar ‘Kai’ Nepomuceno-Baloaloa at Jovy Prado, base sa pahayag ng prangkisang Robles nitong Linggo.     Pinakilala sa isang video clip ng Lady Realtors ang tatlong bagong kuhang ace players para ayudahan ang […]

  • PDU30, inanunsyo na ang pagreretiro sa pulitika

    INANUNSYO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pagreretiro sa pulitika.   Ang pahayag na ito ng Pangulo ay isinagawa ilang minuto matapos maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Senador Bong Go.   “In obedience to the will of the people who after all placed me in the presidency many years ago […]

  • Pondo sa Tokyo Olympics puwede pang itaas – PSC

    PUWEDE pang itaas ng Philippine Sports Commission ang pondo ng Team Pilipinas para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inantras ng pandemya sa parating na Huly 23-Agosto 8 sakaling may madagdag pa sa 10 mga atleta.     Ipinahayag ito Miyerkoles ni Philippine Sports  Commissiion Chairman William ‘Butch’ Ramirez pagkalipas na […]