• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Young Guns: Duterte dapat makulong dahil sa EJKs

KASUNOD na rin sa pahayag ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte na full legal at moral responsibility sa mga naging pagpatay sa kanyang war on drugs sa ginanap na pagdinig sa senado, iginiit ng Young Guns bloc sa kamara na kaharapin ni Duterte ang buong puwersa ng batas at mabilanggo sa naganap na extrajudicial killings (EJKs) ng kanyang administration.

 

“The former President has publicly accepted responsibility for these deaths. If we truly stand by our principles of justice and the rule of law, then Mr. Duterte must be held accountable. He must go to jail for these EJKs. This is not about politics; it’s about justice,” ayon kay Deputy Majority Leader Jude Acidre.

 

Iginiit ni Acidre na walang sinuman, lalung-lalo na yaong nasa kapangyarihan ang immune mula sa legal consequences.

 

“Duterte’s words have given the justice system a clear mandate to act. As public servants, our duty is to uphold justice—not to shield individuals. Duterte must face the legal consequences for his actions.” anang mambabatas.

 

Sinabi naman ni House Assistant Majority Leader Jay Khonghun na ang pag-amin ni Duterte ay isang oportunidad para kumpirmahin ang commitment ng gobyerno ukol sa rule of law.

 

“This is a critical time for our institutions to show their strength by pursuing the legal accountability that so many families have waited for,” anang Kongresista.

 

Nanawagan naman si Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan sa Department of Justice at Office of the Ombudsman na pasimulan ang pagsasagawa ng full investigation. “We cannot ignore such an admission. These institutions must act decisively and transparently to restore faith in our justice system.”
(Vina de Guzman)

Other News
  • Bagong Pilipinas rally, hindi gagamitin para isulong ang Chacha -PCO

    PINABULAANAN ng mga opisyal ng Presidential Communications Office (PCO) na hindi gagamitin ang Bagong Pilipinas campaign kickoff rally, bukas, Enero 28 para itulak ang Charter change (Cha-cha).     “Definitely not. This is an activity by the Executive Department for the covenant of Bagong Pilipinas. This is the Executive Department’s way of showing its commitment […]

  • 2 SPORTS COMPLEX SA METRO MANILA, ISASARA

    PANSAMATALANG  isasara ang dalawang sport complex sa Metro Manila, ayon sa Philippine Sports Commission. Ayon sa kanilang facebook page, sinabi ng Philippine Sports Commission na ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PHILSPORTS Complex sa Pasig City  ay sasailalim sa complete lockdown simula ngayong Agosto 12. Ayon sa PSC, ito bahagi ng kanilang health […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 23) Story by Geraldine Monzon

    NAHIHIYA man ay pinapasok pa rin ni Janine sina Angela at Bernard kahit pa lasing na nakahindara ang ina sa sofa. Ganoon na lang ang gulat ng mag-asawa nang mapagsino ang mama ni Janine. Nagkatinginan sila at hindi agad nakaimik.   “R-Regine?” si Bernard na hindi makapaniwala.   Si Regine ang babaeng huling minahal ni […]