Yuka Saso, binati ng Malakanyang
- Published on June 9, 2021
- by @peoplesbalita
“Today is a great day in Philippine sports.”
Binati ng Malakanyang si Yuka Saso na nag-uwi ng karangalan sa Pilipinas nang manalo sa 2021 US Women’s Open.
Matatandaang nauna nang nakita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Saso sa Malakanyang nang pagkalooban ito ng Presidential citation matapos na manalo ng gold medal sa 18th Asian Games in Indonesia.
“She is indeed the pride and glory of our country. We are all proud of you. Congratulations,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Naghatid ng pag-asa at inspirasyon ang tinamong tagumpay ng Pinay na si Yuka Saso sa US Womens’ Open.
Ayon kay Senate President Protempore Ralph Recto, sa panahong ito na mataas pa din ang naitatalang kaso ng covid kada araw hatid anya ng pag-asa ang pagkapanalo ni Saso.
Nagbigay din anya ito sa atin ng inspirasyon na sa kabila ng handicap at ng peligro na ating kinakaharap, nakaya ni saso na lumaban at manalo.
Kasama na anya si saso sa mga Filipina frontliners pang poster girl ng ating battle cry na laban Pinas.
Nag-paabot naman ng pagbati si Sen. Joel Villanueva kay saso na kapwa nya bulakenyo.
Kahanga hanga anya ang tinamong tagumpay ni Saso bilang unang Pinoy na sa batang edad ay nanalo sa isa sa pinakamahirap na tournament sa mundo.
Ang tagumpay anya ni Saso ay isang good news na kailangan natin sa panahong ito.
Dapat anyang makapagbigay inspirasyon na malalampasan natin ang mga hamong kinakaharap sa ngayon ang pinakitang katatagang mental at physical stamina ni Saso. (Daris Jose)
-
Russia, kumpiyansa na maaaprubahan na ang COVID-19 vaccine sa Agosto
Desidido ang Russia sa magiging kauna-unahang bansa sa buong mundo na magkakaroon ng bakuna laban sa coronavirus. Target kasi ng gobyerno ng Russia na aprubahan na sa kalagitnaan ng Agosto ang bakuna na gawa ng Moscow-based Gamaleya Institute. Aaprubahan na ito sa public use kung saan ang unang mabibigyan ay ang mga frontline […]
-
DOH: Lahat ng bata 12 pataas pwede ng paturok vs COVID-19
Kinumpirma ng Department of Health na maaari nang maturukan laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang lahat ng batang edad 12-17 simula susunod na linggo. Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos matanong ng reporters tungkol sa pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., Miyerkules. “Yes we are confirming […]
-
Lalaki na may bitbit na baril sa Malabon, laglag sa rehas
SA loob ng selda humantong ang isang lalaki matapos maaktuhan ng mga pulis na may bitbit na baril habang pagala-gala sa lansangan sa Malabon City. Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng […]