Yulo kakasa sa 4 na finals event sa World Championships
- Published on November 4, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPAPARAMDAM na ng puwersa si Tokyo Olympics veteran Carlos Edriel Yulo matapos pumasok sa finals ng apat na events sa prestihiyosong 51st FIG World Artistic Gymnastics Championships na ginaganap sa Liverpool, England.
Inilatag ni Yulo ang pinakamalakas na puwersa nito upang masiguro ang pag-entra sa finals kabilang na ang kanyang paboritong floor-exercise event.
Nanguna si Yulo sa floor exercise kung saan nakalikom ito ng 15.266 puntos mula sa 6.400 difficulty at 8.866 execution.
Pumangalawa naman si Yulo sa vault tangan ang 14.849 puntos laban sa nangunang si Artur Davtyan ng Armenia na may 14.900 puntos.
Si Yulo ang reigning champion sa vault event.
Pasok din sa finals si Yulo sa parallel bars kung saan naglista ito ng 15.300 puntos sapat para makuha ang No. 4 seed sa naturang event.
Sa kabuuan, pumangatlo si Yulo sa all-around event bitbit ang kabuuang 84.664 puntos para maging ikaapat na event na nakaabante ito sa finals.
Masaya si Yulo sa kanyang performance ngunit hindi pa dapat magdiwang dahil qualifying pa lamang ito.
Umaasa si Yulo na mas mapapaganda pa nito ang kanyang performance sa finals upang makahirit ng gintong medalya.
“It’s a really good result but it’s just qualifying. I’m not boasting, it’s just not the final. If I can do it in the final then maybe I can be satisfied,” ani Yulo.
Kabilang sa mga tututukan ni Yulo ang rings, horizontal bar at pommel horse kung saan hindi ito nakapasok sa finals.
Nagkasya sa ika-10 si Yulo sa rings (14.066) habang ika-31 naman sa horizontal bar (13.533) at ika-102 sa pommel horse (11.766).
Nangako si Yulo na ibubuhos ang lahat ng kanyang lakas sa finals para masigurong makapag-uuwi ito ng medalya.
-
LTFRB magbubukas ng 3 bagong ruta
MAGBUBUKAS ng tatlong bagong ruta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa napipintong paghinto ng operasyon ng serbisyo ng Philippine National Railways (PNR). Ang mga sumusunod na bagong ruta ay ang FTI-Divisoria via East Service Road, Alabang (Starmall) – Divisoria via South Luzon Expressway para sa mga public utility buses […]
-
Pumanaw ang ina at kapatid sa iisang araw lang: MARIAH CAREY, nagluluksa at wasak na wasak ang puso
SINAGOT na ng SB19 member na si Stell ang never-ending na tanong tungkol sa kanyang sexuality. Noon pa raw kinukuwestiyon ang singer ng maraming netizens regarding sa kanyang sekswalidad. Para kay Stell, hindi raw dapat ito pinoproblema ng kahit sino. “Di ko nga rin po talaga maintindihan. Kasi […]
-
Alas may alam din sa bantahan ng laro
ISANG bukas na aklat din para kay Francisco Luis (Louie) Alas ang bentahan ng laro o game fixing sa Philippine basketball. Naging coach siya national men’s basketball team sa ilang international competition gaya ng Southeast Asian Games o SEA Games at South East Asian Basketball Association o SEABA Championship for Men, sa Philippine Basketball […]