• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo sasalang na sa finals ng 2 events

TARGET ni reigning world champion Carlos Edriel Yulo na makasikwat ng medalya sa dalawang finals event na lalahukan nito ngayong araw sa prestihiyosong 51st FIG World Artistic Gymnastics Championships na ginaganap sa Liverpool, England.
Unang sasalang si Yulo sa men’s all-around event.
Magsisimula ang bakbakan sa alas-2 ng mada­ling araw (oras sa Maynila).
Hawak ni Yulo ang No. 3 seed sa finals matapos pumangatlo sa qualifying round.
Nagtala si Yulo ng kabuuang 84.664 puntos sa qualifying para masiguro ang tiket sa finals.
Umiskor ito ng 15.266 sa floor exercise, 11.766 sa pommel horse, 14.066 sa rings, 14.733 sa vault, 15.30 sa parallel bars at 12.533 sa horizontal bars.
Umaasa si Yulo na mas mapapaganda nito ang kanyang performance sa finals para masiguro ang podium finish.
Makakalaban nito sina Japanese bets Wataru Tanigawa at Daiki Hashimoko na nagtapos ng 1-2 sa qualifying round.
Maliban sa Japanese gymnasts, pasok din sa finals sina Joe Fraser ng Great Britain, Zhang Boheng ng China, Asher  Hong at Brody Malone ng Amerika at Joel Plata ng Spain.
Matapos ang all-around, muling sasalang si Yulo sa kanyang paboritong floor exercise sa alas-9:30 ng gabi (oras sa Maynila).
Paboritong magkampeon si Yulo sa naturang event matapos manguna sa qualifying round tangan ang 15.266 puntos.
Magiging tinik sa kampanya ni Yulo sina Ryosuke Doi ng Japan, Milad Karimi ng Kazakhstan, Giamni Regini-Moran ng Great Britain, Zhang Boheng ng China, Ryu, Sung-hyun ng South Korea, Daiki Hashimoto ng Japan at Nicola Batolini ng Italy.
Other News
  • DepEd, tinitingnan ang pilot run ng bagong SHS curriculum para sa SY 2025-2026

    TINITINGNAN ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng revised Senior High School curriculum para sa School Year 2025-2026.     Ito ang sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa sidelines ng Chinese-Filipino Business Club Inc. (CFBCI) 13th Biennial National Convention, kung saan siya ang tumayong keynote speaker.     “Ang target […]

  • Sangkot sa notorious na ‘5-6’ lending business, arestado

    Muling nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga illegal alien sa bansa kasunod ng pagkakahuli ng limang Indian nationals na iligal na naninirahan sa bansa.   Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang mga banyaga ay naaresto sa Davao City sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng BI Intelligence Division Mindanao Task Group […]

  • New look sa bagong chapter ng buhay: KATHRYN, nag-iba ng kulay ng buhok na pinusuan ng mga netizen

    MAY mga babae na nagpapalit ng hairstyle kapag nakipag-break sa kanilang boyfriend. New look para sa bagong chapter ng buhay nila.       Sa latest Instagram post ni Kathryn Bernardo, nag-iba ito ng kulay ng kanyang buhok na pinusuan ng maraming netizen.       Kulay orange ang buhok ngayon ni Kathryn at mas […]