• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Zavier Lucero, UP Fighting Maroons amoy UAAP titulo

Schedule sa Miyerkoles

(Smart Araneta Coliseum)

5:30 pm – Awarding Ceremony

6 pm – AdMU vs UP

 

 

Namuro ang defending champion UP Fighting Maroons ang pangalawang sunod na titulo ngayong taon nang bidahan ni Zavier Lucero upang pabagsakin ang Ateneo Blue Eagles, 72-66, sa 85th University Athletic Association of the Philippines men’s basketball best-of-3 Finals Game 1 sa harap ng 18,211 miron Linggo ng gabi SM Mall of Asia Arena sa Pasay.

 

 

Umupo ang Peyups sa trono noong Hunyo nang tapusin ang 36 na taong pagkagutom sa kampeonato sa pagtimon coach Goldwin Monteverde kontra AdMU rin.

 

 

Trumabaho sa ‘Battle of Katipunan’ si Lucero ng krusyal na 14 points, 10 rebounds, tig-2 assists at blocks, na sinegundahan ni JD Cagulangan ng 12 markers. Umiskor pa ng 11 si Harold Alarcon at si presumptive MVP Malick Diouf ng siyam.

 

 

“I think for us it’s every day coming in and listening to what our coaches said in preparing accordingly [cause] we know that there are good team over there so we have to bring our best every single time out, and for us, this one’s not already done, we got one more to win and all that UP people please come again,” bulalas ni Lucero.

 

 

Walang saysay ang 16 pts.ni Rence Padrigao at 15 ni Ange Kouame para sa Eagles. (CARD)

Other News
  • DOH: Hindi pa opisyal na nagsisimula ang COVID-19 vaccination sa ‘A4 group’

    Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa opisyal na nagsisimula ang COVID-19 vaccination sa mga indibidwal na kasali sa A4 priority group o “economic frontliners.”     Pahayag ito ng ahensya matapos bakunahan ng first dose noong Sabado ang 1,718 frontline personnel mula sa tinaguriang “essential sectors.”     Ayon kay Health Usec. […]

  • Bahagi ng paglilinaw: Gobyerno, nagdagdag ng mas maraming lungsod, bayan sa listahan na nasa ilalim ng Alert Level 1 hanggang Hunyo 15

    NAGPALABAS ang Malakanyang, araw ng Sabado ng “revised list of areas” sa ilalim ng pinakamababang COVID-19 alert level mula Hunyo 1 hanggang Hunyo15.     Kabilang na rito ang mas maraming lungsod at munisipalidad mula sa ilang rehiyon.     Sinabi ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar na inaprubahan, araw ng Huwebes ng Inter-Agency Task […]

  • PDu30, inaprubahan na ang pagpapalabas ng gratuity pay para sa job order at contract of service workers sa pamahalaan

    INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalabas ng gratuity pay para sa job order at contract of service workers sa pamahalaan bilang pagkilala sa kanilang serbisyo ngayong taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sa ilalim ng Administrative Order No. 38, mabibigyan ang mga contractual at job order workers sa gobyerno ng one-time […]