ZIA, naging personal photographer: DINGDONG at MARIAN, nagbigay ng mapusong mensahe nila para kay SIXTO
- Published on April 19, 2022
- by @peoplesbalita
WOW, naman!
May sarili nang personal photographer ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, walang iba kundi ang panganay nilang si Zia na nagpakita ng kanyang photography skills sa kuha niya during their vacation noon Holy Week.
Nagpunta ng Pangulasian Island Resort sa El Nido, Palawan, ang Dantes family para doon i-celebrate ang 3rd birthday ng bunso nilang si Sixto IV or si Ziggy, na nag-birthday last Saturday, April 16.
Si Zia ang kumuha ng photos nina Dingdong at Marian, being cozy by the beach, at ipinakita naman ni Marian sa kanyang Instagram si Zia while seen taking their photos ni Dingdong, with a caption na “Jose and Maria.”
Nagbigay naman ng message si Marian para kay Ziggy: “Happy, happy birthday to my sweetest boy, Sixto! I’m so happy to see you grow and learn everyday. You bring so much joy into our lives. Please don’t grow up too fast! Love you anak!”
Nagbigay din ng message si Dingdong about dreams on his Instagram: “Take it all in, my son. These will all help you turn your wonderful dreams into reality – dreams that will be more powerful than challenges that would lie ahead. Happy (third) Sixto!”
Very soon, mapapanood na sina Dingdong at Marian sa first sitcom nila sa GMA Network.
***
NANG mapanood ang first na pagtatambal nina Kapuso actress Andrea Torres at John Lloyd Cruz last Sunday sa Happy ToGetHer, maraming nagtanong kung tuloy na bang magiging regular na katambal ni JLC si Andrea, tulad nang matagal na hinihintay ng mga fans nila?
Pero mukhang hindi pa rin pwedeng magtuluy-tuloy si Andrea na mag-taping, dahil before Holy Week dumating na sa bansa ang Argentinian cast and crew ng movie na Pasional, headed by Andrea’s leading man na si Marcelo Melingo.
Nauna nang nag-shooting si Andrea ng movie nila sa Argentina, at ngayon para sa second leg of filming ng international film nila, dito naman kukunan ang mga eksena sa Pilipinas.
Tiyak na lock-in ang shooting nila dahil out of town ang location , at tiyak na susunod sila sa health protocols na required ng government natin, para sa safety ng lahat na involved sa shoot, dahil pa rin sa Covid-19.
Sa Pasional, gagampanan ni Andrea ang role ng isang tango dancer, si Mahalia, na magiging jury member for the international Tango Dance Festival. Marcelo will play a biologist named Norberto.
Ang movie is a co-production among movie and television studio Malevo Films, GMA Network, producer Ferdinand Dimadura, and associate producer Agustin Margas Clerico.
***
PARA kay Kapuso actor Ken Chan, dream come true sa kanya na makatrabaho si Kapuso actress Bianca Umali sa isang serye.
Inamin ni Ken na matagal na niya itong dream, kaya nang i-offer sa kanya ang second episode ng Mano Po Legacy na ‘Her Big Boss’ tinanggap niya agad.
Kahit naman pala si Bianca, sa isang interview na tinanong siya kung sino ang actor na gusto niyang makatrabaho, si Ken din ang sagot niya.
“Alam ko po kung gaano kahusay na actress si Bianca, at nagkataon pa na lahat ng mga ginawa naming serye, may mga advocacies ang tema ng projects namin.
“Kaya nakakatuwa po na binigyan naman kami ng ibang tema na malayo sa mga seryosong projects na nagawa na naming dalawa. Kaya very light ng mga eksena namin sa taping, plus mga bago rin ang mga kasama namin sa cast.”
Napapanood ang Mano Po Legagy: Her Big Boss gabi-gabi after Widows’ Web sa GMA-7.
Meanwhile, naghahanda na si Ken para sa bago niyang song na ilalalabas under GMA Music.
(NORA V. CALDERON)
-
Marvel Studios Releases First ‘Eternals’ Trailer & New Poster
MARVEL Studios has released the first official teaser trailer for Eternals, the upcoming MCU movie directed by Academy Award winner Chloé Zhao. The studio debuted a brand new trailer for Eternals on Monday, having previously offered fans a glimpse of the action in the MCU Phase 4 featurette released at the beginning of May. […]
-
ETRAVEL REGISTRATION, LIBRE
BINIGYAN diin ni Bureau of immigration Commissioner (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang pagpaparehistro ng eTravel ay libre at binabalaan nito ang publiko laban sa mga scammers. “The eTravel registration process is absolutely free of charge. We, therefore, advise the traveling public to register only in the government’s official website at https://etravel.gov.ph.,” ayon […]
-
Phil. Women’s football team pasok na sa quarterfinals ng 2022 AFC Women’s Asian Cup
PASOK na sa quarterfinals ng 2022 AFC Womens’ Asian Cup ang pambato ng bansa matapos ilampaso ang Indonesia 6-0 sa laban na ginanap sa Pune, India. Dahil sa panalo ay nasa pangalawang puwesto na sila sa Group B na mayroong dalawang panalo at isang talo. Nangunguna pa rin sa Group B […]