10 lalawigan, ‘very high’ ang COVID-19 positivity rate
- Published on July 26, 2022
- by @peoplesbalita
SAMPUNG lalawigan sa bansa ang nakapagtala ng higit sa 20% o ikinokonsiderang “very high” COVID-19 positivity rate sa loob ng isang linggo, habang naitala sa 14% ang Metro Manila.
Tinukoy ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Aklan, Antique, Capiz, at Isabela na nakapagtala ng higit sa 20% positivity rate nitong Hulyo 22.
Ang positivity rate ang tumutukoy sa porsyento ng mga tao na nagpositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng sumailalim sa test.
Pinakamataas ang Aklan na may 32.6%, kasunod ang Capiz (31.9%), Nueva Ecija (30.5%), Isabela (27.8%), Pampanga (26.1%), Laguna (26%), Cavite(24.5%), Tarlac (24%), Rizal (22.8%), at Antique (22.2%).
Nasa 14% ang positivity rate ng National Capital Region nitong Hulyo 22 mula sa 12.7% nitong Hulyo 16. Umakyat naman ang arawang positivity rate ng rehiyon sa 16%.
Nitong Sabado, nakapagtala ang bansa ng 3,604 bagong kaso ng COVID-19 para umakyat ang mga aktibong kaso sa 25,743 (Ara Romero)
-
Bigyan ng break ang ilang mga frontliners
IREREKOMENDA ni Chief Implementer Carlito Galvez kay One Hospital Command Head DOH Undersecretary Leopoldo Vega na mabigyan ng bakasyon ang ilang mga frontliners. Ang hakbang ay bunsod na rin ng hirit ni Presidential Spokes- man Harry Roque sa gitna ng gumagandang estado o utilization rate ng mga health facilities na nasa singkuwenta porsiyento na […]
-
Gawilan, flag bearer sa Asean Para Games
LABIS ang pasasalamat ng Pinoy swimmer na si Ernie Gawilan matapos mapiling flag bearer ng bansa para sa gaganaping ASEAN Para Games dito sa bansa sa Mayo. Ayon kay Gawilan, lubos ang kanyang pagkagalak sa natatanggap na biyaya, na siya raw magmo-motivate sa kanya upang lalong magpursigi. “Lubos ang aking pagkagalak sa natatanggap […]
-
Senador Koko Pimentel, walang bilang sa partido
NANANATILING chairman ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kaagad na nagpalabas ng kalatas si PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag matapos na iboto ng paksyon na pinangungunahan ni Senador Manny Pacquiao si elected Senator Aquilino “Koko” Pimentel III bilang party chair, sinasabing para palitan si Pangulong Duterte. Inilarawan […]