• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

10th LBC Ronda: Pangarap ni Tugawin sa Team Tarlac

PANGARAP ni Ryan Tugawin ng Tarlac Central Luzon na makilala sa larangan ng cycling kaya nais niyang makatulong sa Team Tarlac, bukod pa sa manalo ng stage upang mapansin at maipakita na may husay ito sa piniling sport.

 

Naisakatuparan ng 30-anyos na siklista ang misyon 10th LBC Ronda Pilipinas 2020 nang makipagsabayan sa mga astig na siklista sa pinal na 20 metro ng karera para pamayagpagan ang Stage 2 ng nasabing bikathon na pinakawalan sa Sorsogon at magwawakas sa harap ng Legazpi City Hall.

 

May kumpol na mga pedalpusher paentra sa huling isang kilometro, nagpuwestuhan ang mga ito habang dumidiskarte ang tubong Solano, Nueva Viscaya na si Tugawin.

 

Nang makahulagpos umungos si Tugawin sa unahan at nakipagbakbakan kina Ismael Grospe Jr. ng Go For Gold at George Oconer ng Standard Insurance-Navy para sa gabuhok niyang panalo sa tiyempong tatlong oras, 50 minuto at 37 segundo sa 154.5 kilometrong harurutan.

 

“Medyo nakalusot mula sa likod, nakatutok lang po kasi ako, tapos si George (Oconer) umatake, hinabol ko,” kuwento ng magsasakang si Tugawin.

 

Sumegundo si Grospe habang tumersero si Oconer na kapareho ng oras kay Tugawin sa event, pero hindi sapat ang oras ni Tugawin para maagaw ang Red Jersey kay Stage 1 winner Mark Julius Bordeos ng Bicycology Shop-Army.
Nakakapit pa rin sa General individual classification si Bordeos sa tangang anim na oras, 56 minuto at 34 segundo, tatlong segundong abante kay No. 2 Jerry Aquino Jr. ng Scratch It at tig-anim na segundo kina Oconer at Rustom Lim ng 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines, na nasa 3-4, ayon sa pagkakasunod.

 

Larga ngayong araw ang Legaspi-Naga City Stage 3. (REC)

Other News
  • Babaeng nagsasayaw sa kaarawan ng isang opisyal ng PHILHEALTH sa Region 4-B, iimbestigahan

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Task Force  kung anong legal na hakbang ang dapat ikasa hinggil sa lumabas na video ng  isang babaeng sumasayaw na naka- under wear lang sa birthday party ni PhilHealth Regional Vice Presidente Region 4-B Paolo Johann Perez.   Ayon kay Presidential spokesperson  Harry Roque bahala na ang Task Force na […]

  • CHRISTIAN, umaming muntik nang iwan ang showbiz at magsimula sa Amerika; nabago ang plano dahil sa ‘Big Night’

    MUNTIK na palang iwan ni Christian Bables ang showbiz para magsimula ng buhay sa Amerika dahil sa pandemya.     Nagkaroon ng anxieties ang aktor at pakiramdam niya ay wala na siyang panghahawakan na career noong matigil ang showbiz industry dahil sa mahabang lockdown.     Pero nabago raw ang lahat nang maging official entry […]

  • ‘PNoy hindi pala-utos’

    Sa pagpanaw ni dating pangulong Noynoy Aquino III, inalala ng matagal nitong kasama sa bahay ang ugali ng kanyang amo.     Sa lingguhang radio program ni Vice-Pre­sident Leni Robredo, kinuwento ni Yolly Yebes, kasambahay ng mga Aquino sa loob ng 30 taon, na mabait at hindi pala-utos ang dating pangulo.     Sinabi pa […]