• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

12 drug suspetcs timbog sa buy bust sa Caloocan, Malabon, Valenzuela at Navotas

ARESTADO ang labing dalawang hinihinalang drug personalities sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela at Navotas Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, alas-4:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Deo Cabildo ng buy bust operation sa Pili St., Brgy., 178 na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang High Value Individual (HVI) na sina Rommel Bobiles alyas “Dyosa”, 33 at Michael Ayuson, 38.

 

 

Nakumpiska sa kanila ang tinatayang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P340, 000.00 at buy bust money na isang P500 bill at 40 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Dakong alas-3:25 naman ng madaling nang masakote ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Albert Barot sa buy bust operation sa P. Aquino Avenue, harap ng Paradise Village Brgy. Tonsuya sina JC Christopher Dagoy, 35, Sarah Jane Malate, 31, at Alfredo Cruz Jr, 32.

 

 

Narekober sa mga suspek ang tinatayang nasa 18 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php122, 400.00 at P500 marked money.

 

 

Sa Valenzuela, alas-5 ng madaling araw nang madakma ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre sa buy bust operation sa BSOP Bukid, Brgy., Karuhatan sina Vincent Guzman alyas “Bunso”, 19 at Jumer Guzman y, 31.

 

 

Ani PCpl Christopher Quiao, nakuha sa kanila ang tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200, P300 marked money, P140 cash at dalawang cellphones.

 

 

Nauna rito, natimbog din ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PLTJoel Madregalejo sa buy bust operation sa Bukid ext. Brgy., Balangkas alas-2 ng madaling araw sina Francisco Espinosa alyas “Bobo”, 53, at Dean Oliver Jeciel, 27.

 

 

Sinabi ni PCpl Pamela Joy Catalla, narekober sa mga suspek ang nasa 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600, P500 buy bust money, P700 cash at cellphone.

 

 

Nakuhanan naman ng nasa 1.2 grams ng hinihinalang shabu na nasa P8,160 ang halaga sina Jyette Railey Avila alyas “Dayet”, 18, Jacqueline Espinosa, 35, online seller, at 17-anyos na binatilyo matapos madakip sa buy bust operation ng Navotas Police SDEU sa Tawiran 5, Brgy. Tansa 1, Navotas City dakong alas-5:10 ng madaling araw. (Richard Mesa)

Other News
  • P921 M Chinese deal ng PNR di na tuloy

    Hindi na itutuloy ng Philippine National Railway ang Chinese deal na nagkakahalaga ng P921 M para sa pagbili ng gauge diesel multiple unit (DMU) trains na gagamitin sa Bicol line.       Ayon kay PNR general manager Junn Magno, ang kontrata na ibinigay sa CRRC Zhuzhou Locomotive Co. Ltd na siyang nanalo sa naunang […]

  • Pinag-isipan muna bago tinanggap ang role ni Valentina: JANELLA, nag-alaga ng ahas at kasamang rumampa sa mediacon ng ‘Darna’

    CHIKA ni Janella Salvador sa grand mediacon ng Darna na pinag-isipan muna niyang mabuti bago niya tinanggap ang role ni Valentina.     Siyempre tinanggap din naman eventually ang role as nemesis ni Darna, played by Jane de Leon.     After niya tanggapin ang offer to play Valentina, naisipan daw ni Janella na mag-alaga […]

  • Digital Logbook System, ipatutupad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS- Matapos ang halos isang taong pagsuspinde ng paggamit ng biometrics dahil sa pandemyang COVID-19, sisimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na ipatupad ang Digital Logbook System na kaloob ng NSPIRE Inc. sa Marso 1, 2021 para mamonitor ang pagpasok ng mga kawani.     Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na ang isinagawang trial ngayong araw […]