13th month sa government contractual workers, inihirit sa Senado
- Published on December 22, 2022
- by @peoplesbalita
ISINULONG sa Senado ang panukalang bigyan ng 13th month pay ang mga contractual workers ng gobyerno.
Sa Senate Bill 1621 na inihain ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sinabi nito na nararapat ding makatanggap ng 13th month pay kahit mga contractuals at job orders sa gobyerno.
“Nalalapit na ang Pasko pero marami tayong masisipag na empleyado na hindi makakatanggap ng 13th month pay. ‘Yung mga kasamahan nating contractuals at job orders sa gobyerno, walang matatanggap, eh kapwa rin naman silang mga lingkod-bayan,” ani Revilla.
Ang ‘13th month pay’ ay isang monetary benefit na katumbas ng monthly basic compensation na natanggap ng isang empleyado, computed pro-rata na ibinigay sa lahat ng regular na empleyado alinsunod sa Presidential Decree No. 851, S. 1975 at ang Labor Code of the Philippines.
Kung magiging ganap na batas, makakatanggap ng 13th month pay ang mga naglilingkod sa gobyerno sa ilalim ng contract-of-service scheme o job order arrangement na hindi karaniwang tumatanggap ng iba pang benepisyo at allowance na ibinibigay sa mga regular na empleyado ng gobyerno.
Sinabi ni Revilla, na ang mga kontraktwal na manggagawa ng gobyerno ay may mahalagang papel sa paghahatid ng serbisyo publiko sa mga tao.
“Ang trabaho nila ay kasing bigat ng trabaho ng mga regular. Walang duda, sila rin ay kasing sipag ng ibang kawani ng gobyerno. Kaya nararapat lamang na bigyan natin sila ng natatanggap ng mga regular na empleyado,” dagdag ni Revilla.
Ayon sa Inventory of Government Human Resources noong Hunyo 30, 2022, mayroong kabuuang 2,462,534 na manggagawa sa gobyerno, at 642,077 o humigit-kumulang 26% ng kabuuang workforce ng gobyerno ay binubuo ng Job Order and Contract of Service (JOCOS) personnel. (Daris Jose)
-
Sa muling pagsasanib-pwersa nila ni Direk JOEL: SEAN, susubukan nang tumawid sa pagiging dramatic actor
MULING magsasanib-pwersa sa pelikula sina Sean De Guzman at Direk Joel Lamangan sa social media crime drama movie na may working title na Fall Guy. Ang Fall Guy ay istorya ay tungkol sa isang social media influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay. Ang pelikula ay isinulat […]
-
5 BARANGAY SA MAYNILA MINOMONITOR SA TUMAAS NA KASO NG COVID-19
LIMANG barangay sa lungsod ng Maynila ang mahigpit na minomonitor ngayon dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lugar. Ito ang kinumpirma ngayon ni MPD District Director PBGen Leo Francisco sa ginanap na kauna-unahang media forum ng MPD-Press Corps. Sinabi ni Francisco na kasalukuyan ay bina-validate ang barangays 351, 675, 699, 701, […]
-
Bulacan, wagi ng iba’t ibang parangal sa TOPS Regional Award 2021
LUNGSOD NG MALOLOS – Tumanggap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office ng tatlong malalaking parangal sa katatapos lamang na The Outstanding Population Structure (TOPS) Regional Award 2021 na pinangunahan ng Commission on Population and Development-Region III noong Miyerkules, Disyembre 15, 2021 sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga para […]