• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

15K NA MGA COVID19 CONTRACT TRACER HANAP MULI NG DILG

TATANGGAP muli ang Department of the Interior and Local Governmen (DILG) ng may 15,000 contact tracers  para sa COVID-19 contact-tracing efforts.

 

 

Kailangan ngayon ang mga ito lalo na at may bagong UK variant ng COVID19 na nakapasok na sa bansa.

 

 

Sa memorandum na nilagdaan ni DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece, Jr., inatasan ang DILG regional directors na magtungo ang lahat ng DILG-hired contact tracers sa kani-kanilang mga rehiyon upang ibailik ang kanilang identification cards sa local government unit (LGU) sa pagtatapos ng kanilang kontrata noong  December 31, 2020, Sa mga ito ayon sa DILG ay mas mainam na kumuha ng mga muling kailanagang 15,000 contact tracers dahil ang mga ito ay maga trained na. Kailangan na lamang na ma evaluate ang naging performance nito sa naging trabaho ng mga ito.

 

 

Samantala ayon sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance unit na tukoy na nila ang may 143 na katao na nagkaroon ng close contact kay “patient zero” na unang tinamaan ng UK variant ng COVID19. Sinabi ni Dr, Rolly Cruz na 55 ay tinatawag na first generation close contacts o may 2 metro ang lapit mula kay patient zero ang exposure. Habang nasa 88 ang tinatawag na second-generation close contact na expose kay patient zero ng hindi lalapit sa dalawang metro.

 

 

Kaugnay nito ay hinikayat ni QC Mayor Joy Belmonte ang lahat ng taga- Kyusi na nanggaling  sa abroad na sumailalim sa 14 day quarantine. Dahil  ayon kay Mayor Belmonte na mas kailangan na maging maingat ang lahat lalo na at may UK variant na COVID-19 na na tayo. Patuloy pa ring nananawagan ang mayor na sundin pa rin ng mga health protocols. (RONALDO QUINIO)

Other News
  • DOTr: Inagurasyon ng 2 bagong LRT 2 stations pinagpaliban

    Pinagpaliban ng Department of Transportation (DOTr) ang inagurasyon ng 2 bagong estasyon ng Light Rail Transit Line 2 East Extension mula sa dating April 26 at inilipat sa June 23 dahil na rin sa kagustuhan na magpatupad ng striktong health protocols.     Hindi na muna tinuloy ang inagurasyon dahil na rin sa mga bagong […]

  • LEE SEUNG GI, pinakikiusapan ng nagulantang na ‘Knetz’ na hiwalayan na si LEE DA IN after na maglabas ng official statement

    ANG South Korea’s Superstar na si Lee Seung Gi ay ginulantang ang lahat, lalo na ang kanyang mga tagahanga dahil sa lumabas na balita at mga paparazzi pictures mula sa Dispatch na “dating” na ito sa isang 5 years younger sa kanyang Korean star na si Lee Da In.   Pagkalabas ng breaking news noong […]

  • PDu30 at Sec. Locsin, walang namamagitang away

    TINIYAK ng Malakanyang na magkasundo at walang away sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. dahil lamang sa magiging rekumendasyon ng huli na ikansela ang lahat ng kontrata ng mga Chinese firm na nasa likod ng militarisasyon sa  South China Sea.   Mariing itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque […]