• April 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

19 katao patay matapos pagbabarilin sa Mexico

NASA 19 katao ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin sa central Mexico.

 

 

Ayon sa State Attorney General’s Office, na agad nilang nirespondehan ng mga kapulisan ang tawag na mayroong bariliang naganap.

 

 

Pagdating ng mga kapulisan ay lumantad ang 19 na bangkay.

 

 

Karamihan sa mga biktima ay dumalo sa isang salo-salo sa bayan ng Las Tinajas, Michoacan state.

 

 

Maraming mga katao rin ang nasugatan na agad namang itinakbo sa pagamutan.

 

 

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng pamamaril maging ang pagkakakilanlan sa mga suspek.

Other News
  • National Privacy Commission, suportado ang SIM card registration bill

    SUPORTADO  ng National Privacy Commission (NPC) ang rekomendasyong pagpapasa ng SIM Card registration bill sa bansa na tanging lagda na lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hinihintay.     Sa isang statement ay sinabi ng komisyon na ito ay upang maiwasan ang paglaganap ng iba’t-ibang uri ng kriminalidad na isinasagawa sa pamamagitan ng […]

  • DOT pinutol ang kontrata sa ad firm na gumamit ng ‘stock footage’

    KINANSELA na ng Department of Tourism (DOT) ang kontrata nito sa advertising company na DDB Philippines na nasa likod ng inilabas na campaign video sa turismo ng bansa na “Love The Philippines.”     Nag-ugat ito sa pag-amin mismo ng ahensya na gumamit ng “stock footage” sa audiovisual presentation nito sa bagong promotional video na […]

  • Isang milyong order na Sinovac ng gobyerno, parating na din ngayong buwan – Malakanyang

    INAASAHANG paparating na rin ngayong buwan ang isang milyong bakuna pa ng Sinovac na babayaran na ng gobyerno.   Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng aniya’y tuluy tuloy nang pagdating ng bakuna kontra COVID 19 sa bansa.   Aniya, sa unang naging plano ay 50,000 ang inaasahan sana nitong […]